• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, iginiit na ginamit ang P150M confidential funds nito para kumalap ng impormasyon

IPINALIWANAG ng Department of Education (DepEd) kung paano nito ginastos ang P150 million confidential funds nito.

 

 

Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Micahel Poa, bahagi ng mandato ng DepEd na magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante.

 

 

Aniya, ilan sa mga isyu na kinakaharap ng mga guro at mga mag-aaral ay sexual abuse, pangre-recruit ng mga bayolente at ekstremistang grupo, teroristang grupo, komunistang rebelde at mga insidente may kinalaman sa iligal na droga.

 

 

Kung kaya’t humihiling aniya ang ahensiya ng confidential funds para makakalap ng impormasyon kung saan talamak ang mga ganitong iligal na gawain.

 

 

Una ng inihayag ni VP Sara Duterte na ang pangangailangan at layunin ng confidential funds sa DepEd ay dahil nakatali ang basic education sa seguridad ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • PNP, mino-monitor ang mga taong inuugnay sa Hamas ukol sa ‘terror plot’ -DILG

    MAY ilang katao na ang mino-monitor ngayon ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y may kaugnayan sa napaulat na plano ng Middle East-based Hamas militant group na mag-operate sa Pilipinas.     “Those people mentioned in the report are now under surveillance and monitoring,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) […]

  • PBBM sa BOC, BIR: Paigtingin ang kampanya laban sa smuggling ng tobacco, vape products

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal na palawakin at palakasin ang pagsisikap na protektahan ang tobacco industry ng bansa laban sa smuggling ng tobacco at vape products.  Sa isinagawang 6th Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) meeting sa Palasyo ng Malakanyang, kinilala ng Pangulo […]

  • Magkapatid sa sugatan sa pamamaril sa Malabon

    SUGATAN ang isang magkapatid matapos umanong pagtripan barilin ng tatlong lalaki, kabilang ang isang menor-de-edad na pinaniniwalaang mga lasing sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan si Joemarie Tuazon, 18, construction worker at kanyang kapatid na si Miguel Angelo, 16, kapwa ng […]