• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ASEAN leaders, opisyal na sinimulan ang 43rd summit sa Indonesia

OPISYAL na sinimulan ng mga top leaders ng ASEAN member-states, araw ng Martes ang 43rd ASEAN Summit sa  Jakarta Convention Center sa Indonesia.

 

 

Dumalo si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa opening ceremony kasama sina ASEAN Summit Chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR Prime Minister Sonexay Siphandone, Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim, Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, Mark Brown, Prime Minister of Cook Islands, Bangladesh President Mohammed Shahabuddin at Timor-Leste Prime Minister Xanana Gusmaño.

 

 

Tumayo namang kinatawan ng Thailand ang permanent Secretary for Foreign Affairs  na si Sarun Charoensuwan.

 

 

Kasama ni Pangulong Marcos  ang kanyang asawang si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

 

 

Ginawa naman ng mga lider ng  ASEAN member-states ang traditional handshake sa nasabing seremonya.

 

 

Si Pangulong Marcos  ay  mananatili sa Indonesia hanggang Huwebes, Setyembre 7 para dumalo sa  ASEAN main events at maging sa iba pang summits.

 

 

Dumating ang Pangulo sa Jakarta, Lunes ng gabi.

 

 

Magtatapos ang 43rd ASEAN Summit sa Setyembre 7 na may  handover ceremony ng ASEAN chairmanship mula  Indonesia tungo sa Laos.

 

 

Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na may 13 leader-level engagements ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 43rd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Jakarta Indonesia.

 

 

Kabilang sa mga dadaluhan ng pangulo ang ASEAN Summit Plenary Session, opening ceremony ng ASEAN Indo-Pacific Forum, at 43rd ASEAN Summit Retreat Session.

 

 

Dadalo rin ang pangulo sa 26th ASEAN-China Summit, 24th ASEAN-Republic of Korea Summit, 26th ASEAN-Japan Summit, 26th ASEAN Plus Three Summit, ASEAN-US Summit, at ASEAN-Canada Summit.

 

 

Dadalo rin si Pangulong Marcos sa 20th ASEAN-India Summit, 18th East Asia Summit, 3rd ASEAN-Australia Summit, at 30th ASEAN-UN Summit.

 

 

Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos na tatalakayin niya sa ASEAN ang usapin sa West Philippine Sea.

 

 

May bilateral meetings din si Pangulong Marcos sa ilang kapwa ASEAN leaders. (Daris Jose)

Other News
  • Magna Carta for Pinoy Seafarers, batas na

    Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. angSenate Bill No. 2221 at House Bill No. 7325 o Magna Carta for Filipino Seafarers.     Sa ceremonial signing na pinangunahan ng Pangulo sa Malakanyang, sinabi nito ang kahalagahan ng bagong batas na naglalayong ipaglaban ang karapatan at pagpapahalaga sa mga seafarers na nagtatrabaho at nagsasakripisyo […]

  • Maging handa sa mga hamon, totoong laban nagsisimula pa lang, maging tapat sa pagsisilbi sa bayan’

    BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 310 graduates ng Philippine Military Academy (PMA) MADASIGON Class of 2023 na maging handa sa mga hamon na kanilang kakaharapin ngayong magsisimula na sila sa kanilang serbisyo publiko.     Sabi ng Pangulo ang mga kadete ay hinasa at hinubog ng akademya para maging magagaling na mga opisyal […]

  • HORROR GAME PHENOMENON “FIVE NIGHTS AT FREDDY’S” BECOMES LATEST BLOOD-CHILLING CINEMATIC EVENT, RELEASES LATEST TRAILER

    FROM Blumhouse, producer of horror hits M3gan, The Black Phone and Invisible Man comes the latest game to film horror event – Five Nights at Freddy’s starring Josh Hutcherson, Elizabeth Lail, Kat Conner Sterling and Piper Rubio, with Mary Stuart Masterson and Matthew Lillard, directed by Emma Tammi. The film’s iconic animatronic characters is created by Jim Henson’s […]