• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OES, idinepensa ang hakbang ng OP

IDINEPENSA ng Office of the Executive Secretary (OES)  ang naging hakbang ng  Office of President (OP) na payagan ang paglilipat ng pondo sa Office of the Vice President (OVP) noong 2022.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng OES  na inaprubahan ng tanggapan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalabas ng  P221.424 million sa OVP,  sa naging kahilingan na rin ng huli.

 

 

Ayon sa OES, inaprubahan ng Pangulo ang pagpapalabas alinsunod sa  Special Provision No. 1 sa ilalim ng Fiscal Year 2022 Contingent Fund.

 

 

“The President is authorized to approve releases to cover funding requirements of new or urgent activities of NGAs, among others, that need to be implemented during the year,” ayon sa OES.

 

 

“VP Sara, who was newly elected then, needed funds for her new programs for the remaining period of 2022. The President supported this initiative and released the funds, with the favorable recommendation of DBM,” dagdag na pahayag ng OES.

 

 

Ayon sa OES, ang nasabing halaga ay para sa “Maintenance and Other Operating Expenses: a) Financial Assistance/Subsidy – P96.424 million, and b) Confidential Funds (for newly created satellite offices) – P125.0 million, chargeable against the FY 2022 Contingent Fund.”

 

 

Nauna rito, kinumpirma ni  Sara Duterte na humiling ng P125 million confidential funds para sa Office of the Vice President noong nakalipas na taon.

 

 

Ito ang naging tugon ng ikalawang pangulo sa katanungan ni Senate Minority Aquilino “Koko” Pimentel sa isinagawang pagdinig sa Senate committee on finance kaugnay sa panukalang pondo ng OVP para sa susunod na taon na P2.3 billion kabilang dito ang malaking halaga ng confidential at intelligence funds na nagkakahalaga ng P500 million.

 

 

Parte umano ang P125M confidential fund noong 2022 ng P221.4M pondo na inilipat ng Department of Budget and Management sa Office of the President noong Disyembre 2022.

 

 

Nag-request aniya ang OVP noong Agosto 2022 sa OP at naibigay ang confidential fund noon lamang Disyembre 2022.

 

 

Subalit kinuwestyon ni Senator Pimentel ang confidential fund ng OVP dahil hindi ito nagi-exist sa 2022 budget ng OVP.

 

 

Itinuro naman ni VP Sara ang DBM na makapagbibigay aniya ng tamang kasagutan sa katanungan ng mambabatas dahil ang DBM ang naglipat ng pondo mula sa kanilang source papunta sa OVP.  (Daris Jose)

Other News
  • Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara

    IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker at Pampanga  Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng kamara sa mandatong ito.     “As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members […]

  • FILIPINONG PARI, ITINALAGANG MIEMBRO NG PONTIFICIAL ACADEMY

    ITINALAGA ni Pope Francis ang Filipino Dominican na si Fr.Albino Barrera , isang theologian at economist bilang miyembro ng  Pontifical Academy of Social Sciences.     Nakabase sa United States ang 65 taong gulang na pari  na moral theologian at professor ng economics at theology sa Providence College sa Rhode Island.     Ayon sa […]

  • Pangarap ding makasama si Vilma sa movie: DINGDONG, ayaw magkomento tungkol sa pagtakbong Senador sa 2025 Elections

    AYAW magkomento ni Box Office King Dingdong Dantes tungkol sa sinasabing pagtakbo niya bilang Senador sa 2025 elections.     Isa kasi ang Kapuso aktor na sinasabing pambato ng oposisyon at base sa latest survey ay pasok si Dingdong sa magic 12.     Kilala si Dingdong sa pagiging matulungin lalong-lalo na sa mga kapwa […]