• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa 12 days suspension ng ‘It’s Showtime’: Chair LALA, natulog at nagising sa mga mura at sumpa ng netizens

NAKU, ‘under fire’ ang MTRCB ngayon dahil sa ipinatang nilang 12 airing days suspension sa ‘It’s Showtime.’

 

 

 

Hindi ito pumabor sa netizens, lalo na siyempre sa mga madlang people. Mas marami ang naniniwala na hindi raw makatarungan ang ginawang suspension sa ‘It’s Showtime’, kahit pa isinama na rin ang diumano’y iba pang offense o reklamo sa show sa mga nagdaang episodes.

 

 

 

Ang nakikita namin dito, ang pinupuntirya talaga ng mga tao ay si Chairwoman Lala Sotto. Ang pagiging anak niya si former Senator Tito Sotto at pamangkin ni Vic Sotto kaya diuamano’y pasa-todo lang dito kapag ang ‘E.A.T.’ ang may offense gaya raw ng pagsasabi ng bad words, bakit hindi ito nasu-suspend?

 

 

 

Grabe, mukhang natulog at nagising ang kapatid ni Ciara Sotto ng mga mura at sumpa mula sa mga netizens noong Lunes ng gabi, huh!

 

 

 

Sa isang banda, live pa rin ang ‘It’s Showtime’ noong Martes at maaaring sa mga susunod pang araw. Binasa ni Jhong Hilario ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa suspension at nagpahayag sila na aapela sila at naniniwala silang wala silang nilabag na ano man.

 

 

 

Si Vice Ganda naman, mula sa kanyang tweet pagkatapos na lumabas ang suspension sa ‘It’s Showtime’, nag-post ito na, “In the middle of every difficulty lies opportunity.”

 

 

 

At sa live ng noontime show, naka-all pink outfit si Vice at may hirit na, “Ganyan talaga kapag marami kang blessing. Para kang namumukadkad na isang rosas.”

 

 

 

May mga hirit naman sa audience at mga sumisigaw na, ‘wala akong pake.’ Natatawang sabi ni Vice sa mga ito, “Hindi po ‘yon ang opinyon ko. Wala akong pake! Ay, ang ganda ng song na ‘yon. Very timely.”

 

 

 

***

 

 

 

EVER since, si Andrei Yllana ang vocal sa pagsasabi na botong-boto siya sa kanyang Tita Abby Viduya para sa ama na si Jomari Yllana.

 

 

 

Kaya naman masaya raw siya na ikakasal na ang dalawa sa November ng taong ito.

 

 

 

At bago raw mag-propose ang ama, nagkausap muna raw sila at sabi niya raw dito, “Ako po, simple lang po talaga ang sabi ko kay Daddy. Sabi ko, ‘Dad, kung saan ka sasaya, do’n ako, suporta ako.’ Eh, ‘yun ang magpapasaya sa kanya kaya full support ako.”

 

 

 

At humingi pa raw ng tips sa kanya si Jomari kung paano ang dapat na pagpo-propose.

 

 

 

“Tinanong niya ko, sabi niya, paano ba dapat, ganito, ganyan? Tapos sabi niya, okay lang ba sa ‘yo, Andrei? Tanggap mo ba? Sabi ko, ‘oo naman Dad, kung saan ka masaya.”

 

 

 

Isa raw sa dahilan kung bakit gustong/gusto niya si Abby para sa ama, dahil daw ibang-iba ito sa lahat ng mga naging girlfriend ni Jomari.

 

 

 

Malaking bagay rin daw na artista rin ito at nakakapag-usap sila. Sey pa niya, “Very ano siya, e, I would say a mom in her and a friend in her.”

 

 

 

Sinigurado rin ni Andrei na present siya sa Las Vegas wedding ng Daddy niya at ni Abby. Lagot daw sa kanya ang mga ito kung sakali at wala siya.

 

 

 

Kung ang mommy naman niya na si Aiko Melendez ang magpapakasal sa longtime boyfriend nito na si Vice Governor Jay Khonghun ang magsasabi sa kanya, papayag din kaya siya?

 

 

 

Mabilis na “oo naman” ang sagot niya at saka sinabi pa na, “Tito Jay, baka naman?”

 

 

 

In fairness kay Andrei na anak, huh!

 

 

 

Sa ngayon, magsisimula na muli si Andrei ng taping para sa bagong series na ‘Safe Skies, Archer.’ Bahagi pa rin ito ng hit Wattpad University series na sinimulan nga ng ‘The Rain in España’ at napapanood sa VIVA One.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads September 4, 2021

  • DOTr: 70 percent maximum kapasidad sa mga PUVs ipapatutupad pa rin

    Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling 70 na porsiento ang maximum na kapasidad ang ipapairal sa mga public utility vehicles (PUVs) ngayon nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.     Mahigpit na pinagutos ng DOTr sa mga pampublikong sasakyan sa lupa at sa mga stakeholders na ipatupad ang nasabing batas sa National […]

  • COVID-19 death toll sa Phl, halos 11K na: DOH

    Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 1,590 mula sa nakalipas na taon.     Sa ngayon, mayroong 6.2% o katumbas na 32,775 ang aktibong kaso sa Pilipinas, nasa 91.8% (487,927) na ang gumaling, at 2.07% (10,977) ang namatay.     Mayroon kasing panibagong naitalang 249 na gumaling at 55 naman ang mga […]