• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakitang kayang makipagsabayan sa ibang coaches: STELL, revelation kaya hanga ang starmaker at director na si Mr. M

“TROPANG Magaling” pala ang tawag ni Mr. M (Johnny Manahan), starmaker and director ng “The Voice Generations” sa mga coaches na sina Chito Miranda, Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at si Stell Ajero ng SB 19. 

 

 

Inamin ni Mr. M. na nakatrabaho na niya sina Chito, Billy at Julie Anne, pero ang nasorpresa at nabulabog daw siya ay kay Stell, na ayon sa kanya ay isang revelation.

 

 

“Speechless ako, kaya niya ang ginagawa niya, he has the makings of a star. Impressed ako by his presence at napaka-professional niya.  Presence pa lamang niya, talbog na ako, eh.

 

 

“Wala akong masabi at maipintas sa kanya.  Kapag kumanta na siya, saka the way he moves, isa na siyang star.  Kaya niyang makipagsabayan kahit kanino.  Noong una, ang worry ako kung magiging confident siyang makipag-banter sa mga experienced coaches na, pero hindi, he’s quick witted, bago mo mapansin, nauuna pa siyang makipag-usap sa mga contestants.”

 

 

Nakita raw naman ni Mr. M. ang full support nina Chito, Billy at Julie Anne kay Stell, kaya nga niya tinawag niya sila na “Tropang Magaling.”

 

 

“Hindi sila nagpapataasan sa isa’t-isa, tulungan sila, na madalas ay nauuwi sa tawanan, kapag nakapili na ang mga contestants ng gusto nilang mag-coach sa kanila.”

 

 

Hindi na bago kay Mr. M ang “The Voice Generations” dahil naidirek na niya ang “The Voice” noong nasa ABS CBN pa siya, kaya happy siya na ngayon, he has a different set of judges.

 

 

Napapanood ang show na hino-host ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, every Sunday, 7:00 p.m. sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

NGAYONG may second project na sina Barbie Forteza at David Licauco, ang “Maging Sino Ka Man,” hindi maiwasan na may mga fans sila na medyo hindi tanggap kapag napag-uusapan ang tungkol kina Barbie at sa boyfriend nitong si Jak Roberto.

 

 

Lalo na kung nagpu-promote sila ng serye at nababanggit si Jak, may nagri-react na dapat daw ay tungkol lamang kina Barbie at David ang pag-uusapan.

 

 

Sa totoo lang naman, open naman si Jak sa pagsasabing wala siyang selos tungkol kina Barbie at David, kaya naman si Barbie ay walang ipinag-aalaala dahil wala naman daw siyang nakikitang dahilan para mag-explain siya kay Jak tungkol sa sitwasyon.

 

 

Dagdag pa ni Barbie suportahan lamang sila ni Jak, dahil tulad ngayon, may serye ring lumalabas si Jak, daily, ang “The Missing Husband” with Yasmien Kurdi at Rocco Nacino sa GMA Afternoon Prime.

 

 

Sa Monday, September 11, 8:00 p.m. na ang world premiere ng “Maging Sino Ka Man” sa GMA-7. Sa direksyon ni Enzo Williams, ang special limited series ay mapanonood lamang for eight weeks, after “24 Oras.”

 

 

                                                            ***

 

 

SA kabila ng pagiging busy ni Jillian Ward sa taping niya ng top-rating series na “Abot-Kamay na Pangarap,” may time pa siya para mag-guest sa primetime series na “Royal Blood” na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.

 

 

Hindi pa niri-reveal kung ano ang role na gagampanan ng “Star of the New Gen” ng GMA Network, pero may kinalaman din kaya ito sa role niya bilang si Dr. Analyn Tanyag sa afternoon prime?

 

 

Malapit na ring magtapos ang “Royal Blood” na napanonood gabi-gabi at 8:50 p.m.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • LTFRB, ‘di pinagbigyan ang hiling ng ilang transport group na dagdagan ng piso ang minimum fare

    HINDI pinagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng ilang grupo ng mga tsuper at operator ng jeepney na dagdagan ng piso ang minimum fare sa mga pampublikong transportasyon.     Ito ay sa gitna pa rin ng walang humpay na pagsipa ng presyo sa produktong petrolyo sa bansa na itinuturong […]

  • PBA prayoridad ang kaligtasan ng lahat

    WALANG balak ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na isugal ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials matuloy lamang ang PBA Season 46 Governors’ Cup.     Naghihinayang si Marcial dahil maganda na sana ang takbo ng liga noong nakaraang taon.     Maliban sa tuluy-tuloy na mga laro, nabigyan na ng pagkakataon […]

  • Ads December 16, 2021