• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakatanggap na naman ng pamba-bash: CARLO, no show sa third birthday party ng anak na si MITHI

NAG-POST ng 3rd birthday party pictures ni Mithi si Trina Candaza sa kanyang Instagram account.

 

Obviously, tulad ng mga nakaraang birthday party ni Mithi, halatang pinaghandaan at binonggahan pa rin ang 3rd birthday ng anak nila.

 

Iba’t-ibang pictures ang pinost ni Trina na kuha sa party. Meron din na kasama ang mga bisita, pero, sigurado naman na isa lang ang hinahanap ng mga nakakita ng post niya, kung present din ba sa birthday party ang Daddy ni Mithi na si Carlo Aquino.

 

Kung pagbabasehan ang mga larawan na nai-post, mukhang absent, wala o no show si Carlo. Kaya nakatatanggap na naman ito ng mga pamba-bash.

 

Naniniwala kaming may dahilan si Carlo kung wala man ito. Naniniwala rin kami na maraming nangyayari sa pagitan nila ng ina ng anak na hindi na talaga nilalabas sa publiko, lalo na ni Carlo na kilalang hindi mahilig sa publicity.

 

***

 

SI Aga Muhlach ang artista na napakatagal na inalagaan o hinawakan ni Manay Ethel Ramos bilang talent.

 

Sa pagpanaw ni Manay Ethel sa edad na 87, naglabas ng kanyang saloobin si Aga sa kanyang Instagram account.

 

Mararamdaman ang pangungulila, pagmamahal at pasasalamat ni Aga sa kanyang manager.

 

Ayon dito, “Rest and go in peace my dearest ‘te Ethel. Don’t even know where to begin… 30 years of love, laughter, arguments, tsismis, pangarap, hard work to name a few. We all shared together and we just loved and embraced each other. I will miss you. I am forever grateful to you and what you’ve done for me.

 

“We’ve talked about death so many times that we both know we are ready. Lahat naman tayo dadating diyan. So much more to say but I’ll just leave it at this. Mahal ka naming lahat na tinulungan at minahal mo. Habambuhay ka sa puso ko.

 

“Please pray for us na naiiwan pa dito. Rest in eternal peace dearest tita Ethel. I love you very much. Don’t worry about me, you’ve taught me so much in life. We’ll just be fine. Hurt, sad, but kaya ‘to. Again, rest in peace. You’re with our creator now. Your son, Aga.

 

“Ang dami ko pang gustong sabihin…’di ko na din alam… basta.”

Rest in peace, Manay Ethel. Salamat po.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads August 6, 2020

  • Nangyari rin kay Zeinab na natanggal ng walang rason: IVANA, naghihimutok na pagkawala ng FB page na may 19M followers

    NAGULAT at hindi malaman ng sexy actress at top youtuber na si Ivana Alawi kung bakit tinanggal ng Facebook at FB page niya na may 19 million followers.   Pareho sila ng isang Youtuber rin na si Zeinab Harake na may mahigit 10 million ang mga followers sa kanilang Facebook account, pero nagulat na lang […]

  • Japan, kinokonsidera ni PBBM na isama sa Balikatan drills kasama ang Estados Unidos

    KINOKONSIDERA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isama ang Japan sa nalalapit na Balikatan Exercises, isang taunan na military activity sa pagitan ng armed forces of the Philippines (AFP) at Estados Unidos.     “Now with the inclusion of Japan into some of these exercises that we have been doing—not only Balikatan but others—I do […]