Punong Barangay at Treasurer ng Kaligayahan QC sinampahan ng reklamo sa Ombudsman
- Published on September 14, 2023
- by @peoplesbalita
SINAMPAHAN ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Document sa tanggapan ng Ombudsman sina Punong Barangay Alfredo ‘Freddy’ Roxas, kabilang ang isang Kagawad nasi Arnel Gabito at Barangay Treasurer Hesiree Santiago ng Barangay Kaligayahan sa Quezon City.
Ayon sa nagsampa ng reklamo na si Arjean Abe, nagtrabaho siya sa Brgy. Kaligayahan, bilang isang teacher aide sa day care center noong March 1, 2022, at kada buwan ay tumatanggap siya ng sahod na anim na libong piso (P6,000.00). Dahil noong mga panahon na yun ay kasagsagan ng Covid-19 sa bansa, pansamantala muna siyang itinalaga ni Kap. Roxas, bilang taga-isyu ng barangay clearance.
Ayon sa reklamong inihain ni Abe, ika-31 ng Enero ngayong taon nang magpaalam siya sa kanilang Punong Brgy. na si Roxas, na siya ay aalis na sa kanyang trabaho. Agad din daw siyang nagbigay ng kanyang resignation letter na tinanggap naman ni Barangay Treasurer Herisee Santiago. Matapos maghain ng kanyang resignation noong 31 January 2023 ay hindi na nagreport at pumasok sa trabaho si Abe sa kanilang barangay.
Dagdag pa ni Abe, nagulat na lamang siya nitong Mayo 2023 ng malaman sa isang kakilala na diumano’y patuloy paring kasama sa barangay payroll ang kanyang pangalan bilang empleyadong tumatanggap ng sweldo. Pirmado rin aniya ang payroll sheet ng barangay ang kanyang pangalan na katunayan na may tumatanggap ng kanyang sweldo.
Ang isa pa sa kanyang ipinagtataka ay sinertipikahan pa umano ng Chairman ng Committee on Appropriation na si Kgwd. Arnel Gabito, Kapitan Alfredo Roxas at Hesiree Santiago ang payroll, gayung alam naman nila na matagal na siyang hindi nagtatrabaho sa kanilang barangay. Nakasaad din umano sa sertipikasyon na nilagdaaan ng mga nasabing opisyal na tama ang lahat ng detalye na nakalagay sa barangay payroll. (PAUL JOHN REYES)
-
Ads December 7, 2024
-
Pacquiao may wax figure na sa Hong Kong
Labis ang pasasalamat ni Sentaor Manny Pacquiao matapos na gawan ito ng wax figure ng sikat na Madame Tussauds museum sa Hong Kong. Makikita ang nasabing wax figure ng fighter senator sa Hong Kong kung saan nakasuot ito ng boxing gloves, shorts na kaniyang isinusuot tuwing may laban ito. Hinangaan ang […]
-
Halos 5,000 indibidwal, nakatanggap ng P35.35 million na tulong medikal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office
NAGLABAS ng P35.35 milyon na tulong medikal ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa kabuuang 4,704 na kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa mula Enero 9 hanggang Enero 13. Sa pagbanggit sa datos na inilabas, sinabi ng ahensya na ang mga pondo ay inilabas sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Medical Access Program. […]