Online Scam, nangunguna sa mga naitala ng PNP na cybercrime cases sa kabuuan ng 2023
- Published on September 18, 2023
- by @peoplesbalita
NANGUNGUNA ang Online Scams sa top 10 cybercrime cases na naitatala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).
Ito ay batay sa datus ng naturang police unit mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon.
Ayon kay PNP-ACG Director PBGen Sydney Sultan Hernia, patuloy ang pagtaas ng kaso na kanilang naitatala ukol sa ibat ibang uri ng cybercrime sa bansa.
Maliban sa online scam, mataas din aniya ang bilang ng iba pang cybercrimes, katulad ng Illegal Access, Computer Related Identity Theft, ATM/Credit Card Fraud, Threats, Data Interference, Anti-photo and Video Voyeurism, Computer Related Fraud, at Unjust Vexation.
Samantala, iniulat naman ng naturang police unit na nagawa na nilang maimbestigahan ang hanggang 16,297 kaso ng cybercrime sa buong bansa.
Sa kasaysayan ng Anti-Cybercrime unit, ito na ang itinuturing na record-breaking o pinakamarami.
-
5,000 COVID-19 vaccine doses para sa A4 minimum wage earners at OFWs sa Labor Day
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Martes, Abril 27 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 5,000 doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa idaraos na symbolic inoculation ceremony ng mga minimum wage workers at overseas Filipino workers na nasa ilalim ng Priority Group A4 sa Mayo 1, 2021 […]
-
Sa pagkamatay ni JoMa Sison: Marks end of an era, hopefully ends insurgencies
SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison ay tanda ng “end of an era” na inaasahan niya na “end of insurgencies in the Philippines.” Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si Duterte sa pamilya Sison, ipinagdarasal niya ang kapayapaan […]
-
Nag-react nang ikumpara kay Ruffa: POKWANG, ‘di matatahimik hanggang nasa ‘Pinas pa si LEE
HINDI pa rin matatahimik ang Kapuso aktres na si Pokwang hanggang nasa Pilipinas pa ang ama ng anak niya na si Lee O’Brian. Kahit na may desisyon na at inatasan na ng korte na lisanin na ni Lee Ang Pilipinas, still nasa bansa pa rin ang foreigner. Kaya nga ganun na lang ang galit […]