• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hahanapin nila ang ‘the best of the best’ sa ‘Pinas: RUFA MAE, mag-a-apply bilang receptionist sa isang ‘secret place’

MULING magsasanib-puwersa ang GMA Public Affairs at YouTube Philippines para sa espesyal na digital series – ang “Philippines’ Number 1,” tampok ang ilan sa mga pinakahinahangaang content creators sa bansa. Eksklusibong mapapanood ito sa GMA Public Affairs YouTube channel simula Setyembre 22.

 

 

Ang Pilipinas, tila isang bansang hitik sa ‘pinaka’ at ‘numero uno.’ Ito lang naman ang tahanan ng most perfect cone-shaped volcano sa buong mundo, ng pinakamataas na kawayang estatwa, ang pinakamahabang ilog sa ilalim ng lupa, at kung anu-ano pa. Ngunit saan nga ba mahahanap ang ‘the best of the best’ sa Pilipinas?

 

 

Matapos ang hit online series na “Pinoy Christmas in our Hearts,” muling magko-collab ang GMA Public Affairs at YouTube para sa “Philippines’ Number 1.”

 

 

Ang Palawan Island ay hindi matatawaran bilang isa sa mga pinakamagandang tourist destination hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

 

 

Ang kilalang aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto, mapapadpad sa isang “secret place” sa El Nido na ayon sa mga lokal ay isa sa mga lugar kung saan mararanasan mo ang ultimate island vacation. Mag-a-apply rin si Rufa Mae bilang isang receptionist upang tuklasin ang mga lihim ng eksklusibong destinasyong ito.

 

 

Sa Tuguegarao City sa Lalawigan ng Cagayan naman, magtutungo ang “Philippines’ Number 1” para sa tanyag nilang Pancit Batil Patung Festival. Susuyurin ni celebrity chef JR Royol ang mga lansangan ng Tuguegarao para mahanap ang pinakalumang pancit batil patung recipe at susubukan ang tradisyunal na paraan ng pagluluto ng pansit na tinatawag na kinabayu. Samantala, ang sikat na vlogger na si Agassi Ching ay matapang na haharap sa Ultimate Pancit Batil Patung Mukbang Challenge dito sa Metro Manila.

 

 

Wala pa mang opisyal na dinedeklarang pambansang ulam ang mga Pilipino, ngunit malamang isa sa mga nangunguna rito ang Adobo. Para sa mga taga-Silay City sa Negros Occidental, halos lahat ay maaaring gawing Adobo — manok, baboy, gulay, kuneho, pato, atbp.

 

 

Nagdaraos pa sila ng festival kung saan iba’t ibang bersyon ng adobo ang inihahain. Nagtungo rito ang mga sikat na chef vlogger na sina RV Manabat at Abi Marquez para sa one-on-one adobo cooking showdown. Ngunit ang twist, hindi sila bibigyan ng anumang sangkap dahil kailangan nila mismo itong anihin. Ano ang magiging lasa ng “adobo of their labor?”

 

 

Tuklasin ang ‘the best of what Philippines has to offer’ sa mata ng ilan sa mga pinakakilalang content creators sa bansa. Abangan ang “Philippines’ Number 1,” na eksklusibong mapapanood sa GMA Public Affairs’ YouTube Channel (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs) simula Setyembre 22.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Cartographic sketch ng killer ng radio anchor inilabas ng PNP

    INILABAS na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang cartographic sketch ng isa sa mga salarin na responsable sa pamamaril at pagkakapatay sa radio anchor na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” sa Calamba, Misamis Occidental kamakalawa.     Sa press briefing sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda […]

  • DA: Mag-ingat sa mga frozen meat sa wet market

    PINAG-IINGAT ng Department of Agriculture (DA)  ang publiko laban sa mga ibinebentang mga frozen meat sa mga wet market na posible umanong kontaminado ng mga bacteria.     Payo ng Kagawaran sa mga mamimili, tignan ang tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang matiyak ang kaligtasan sa pagkain.     Kasabay nito, binalaan din […]

  • Undas magiging COVID-19 super spreader – DOH

    MULING  nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na maaaring maging ­COVID-19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo sa ­darating na Undas ngayong ­Nobyembre.     Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi ­kinakategorya ang Undas na “low risk setting” dahil taun-taong ­dinadagsa ng napakaraming tao ang bawat […]