• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Chinese mafia’ nasa likod ng rice smuggling – BOC

TINUTUTUKAN na umano ng Bureau of Customs (BOC) ang impormasyon na isang “Chinese mafia” ang nasa likod ng smuggling sa bigas sa bansa, dahilan nang patuloy na pagmahal nito sa merkado.

 

 

“Yung mga reports na nare-receive po ng office natin, binabanggit nga po mga Chinese,” ayon kay BOC Director Vernie Enciso.

 

 

“Either nasa side ng financing, nasa side ng distribution or nasa side ng, there are other, maraming levels kung nasaan sila present dito sa agricultural smuggling. ‘Yan po ang isa sa mga tinitingnan ng Bureau of Customs,” dagdag ng opisyal.

 

 

Nagsagawa na ang BOC ng mga pagsalakay sa mga bodega mula Agosto at nakakumpiska ng nasa 236,571 smuggled na bigas sa apat na bodega sa Bulacan, 36,000 sako ng bigas sa Tondo, Maynila at 20,000 sako ng bigas sa Bacoor, Cavite.

 

 

Nagprisinta naman ang mga may-ari ng importasyon ng mga dokumento ngunit hindi tumutugma sa aktuwal na importasyon.

 

 

Sa kabila nito, sinabi ni Atty. Marlon Agaceta, chief of staff ng BOC, na mahirap at mahaba ang proseso para matukoy ang source ng smuggled na bigas. Karaniwan na nagtatago umano ang mga smuggler sa mga dummies at may mga ginagamit na mga alyas.

 

 

Magiging mahaba rin umano ang proseso ng pagsasampa ng kaso dahil sa mas mahigpit ngayon ang Department of Justice. Kailangan na resonable at may mataas na tsana ng conviction ang mga kasong inihahain para nila tanggapin, kaya mas magiging mabusisi umano ang mga abogado ng BOC sa pagkalap ng mga ebidensya para hindi masayang ang isasampang kaso.

 

 

Ngayong 2023, nakapagsampa ang BOC ng 53 kaso laban sa 416 importers at nakumpiska ang tinatayang P612 halaga ng mga produkto. (Daris Jose)

Other News
  • PNP, umapela sa mga nagnanais magkasa ng mga kilos protesta na gawin ito sa tamang lugar

    IGINAGALANG ng Philippine National Police o PNP ang karapatan ng bawat Pilipino na maghayag ng kanilang saloobin, salig sa itinatadhana ng Saligang batas.     Ito’y kasunod ng mga banta ng iba’t ibang grupo na magkilos protesta para tutulan ang isang partikular na kandidato na lumalamang ngayon sa bilangan.     Ayon kay PNP Director […]

  • ‘Hard’ lockdown vs banta ng Omicron variant, handang ipatupad – PNP

    Nakahanda na ang PNP na magpatupad ng hard lockdown kung sakaling ipag-utos ng IATF sa gitna ng banta ng bagong Omicron strain ng Corona virus.     Ayon kay PNP Chief , hindi na bago ito sa PNP, at mayroon na silang template na katulad noong ginawa noong ipinairal ang pinaka striktong Quarantine sa iba’t […]

  • Inagurasyon nina incoming Pres. BBM at VP Sara Duterte, pinaghahandaan na ng PNP

    WALA PANG namo-monitor na anumang banta ang Philippine National Police (PNP) para sa nakatakdang inagurasyon nina President-elect Bong Bong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.     Sa panayam kay PNP Officer-in-Charge Police Lt Gen Vicente Danao na patuloy ang kanilang paghahanda at latag ng seguridad para sa nalalapit na inagurasyon.     Ito’y para […]