LTO: Expiring driver’s license automatically extended hanggang 2024
- Published on September 27, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ng extension ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motoristang may expiring driver’s license simula noong April 23, 2023 hanggang April 1, 2024.
Sa gitna ng legal battle na kinahaharap ng LTO na siyang nakabalam sa paggawa ng plastic cards kung kaya’t nag desisyon ang LTO na magkaron ng extension ng mga expiring driver’s license.
Dahil nga walang production ng plastic cards, kinumpirma ni assistant secretary Vigor Mendoza na kanilang pinayagan ng magkaron ng extension ng isang taon ang mga expiring driver’s license. Maari rin ang extension naman ay hanggang ang shortage ay matugunan na at magkakaron na lamang ng bagong memorandum, kung ano man ang mauna.
“With the production on hold, the extension will be valid for one year until April 2, 2024 or until the plastic card shortage has been addressed subject to a separate memorandum, whichever comes first,” wika ni Mendoza.
Walang multa ang ipapataw sa mga motoristang may mga expired na driver’s license na nasa tamang time frame.
Mula pa noong April ang LTO ay nagbibigay na ng paper-based licenses upang maka coped-up sa kakulangan ng may higit na 1.7 million na backlogs.
Ang kontrata sa plastic cards ay dati pang ini-award sa Banner Plastic Card Inc. na may bid na P219 million. Ito ay kabaliktaran sa binigay ng AllCard Inc. na may bid na P177 million lamang subalit ang kumpanya ay na disqualified dahil sa alegasyon na ito ay may mga proyektong naantala sa central bank at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Subalit ang Quezon City court ay nagsabi na ang rason sa disqualification ay hindi nagkaron ng verification.
Dahil dito, ang nasabing court ay nagpataw ng 20-day restraining order (TRO) laban sa delivery ng plastic cards matapos na ilabas ng natalong bidder ang issue tungkol dito.
Ang mga motorista ay napilitan na kanilang ilaminate na lamang ang kanilang paper licenses na may official receipt at unique QR code sa likod kung saan ang traffic enforcers ay maaaring scan kung may apprehension ang isang motorista
Inilungsad din ang Electronic drivers’ licenses (eDL) ng Land Transportation Management Systems (LTMS) portal. LASACMAR
-
42 partylist, delisted sa 2025 Midterm Elections – Comelec
INALIS ng Commission on Elections (Comelec) ang 42 partylist groups dahil sa kabiguang manalo sa nakalipas na mga halalan at ang iba naman ay dahil sa hindi paglahok sa nakalipas na eleksyon. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bahagi ito ng paglilinis nila sa listahan na bahagi ng kanilang obligasyon sa ilalim […]
-
Psychological evaluation ni VP Sara matapos ang nakapapangambang pahayag, hikayat ng Young Guns sa Kamara Leaders
HINIKAYAT ng mga lider ng grupong young guns sa Kamara leaders na magkaroon ng psychological evaluation kay Vice President Sara Duterte matapos ang ginawang pahayag nito sa isang press conference. Sa naturang conference, inamin nito na nasa imahinasyon niya ang pagpugot umano sa ulo ni Presidente Bongbong Marcos at ipahukay ang labi ni dating […]
-
JAPAN PM KISHIDA, nakatakdang dumating bukas sa Pinas-DFA
NAKATAKDANG pag-usapan bukas, araw ng Biyernes, Oktubre 3 nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio ang usapin ukol sa West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan. Si Prime Minister Kishida ay mayroong nakatakdang official visit sa Pilipinas mula bukas hanggang araw ng Sabado, Nobyembre 4, 2023. […]