• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Milestone sa kanila ni Vaness na makasama sa serye: SEF, tumagaktak ang pawis nang sabay na maka-eksena sina DENNIS at BEA

TUNGKOL sa araw-araw na pinagdaraan ng Gen Z teens ang tema ng bagong GMA series na ‘Sparkle U.’

 

 

Tampok ang mga fresh faces ng Sparkle GMA Artist Center, tatalakayin sa unang episode ng ‘Sparkle U’ na #Frenemies ay ang cyber bullying at ang epekto nito sa nagiging biktima.

 

 

Ilan sa cast ay naging biktima ng cyber-bullying tulad ni Roxie Smith na binash noong ipadala siya sa isang international beauty pageant.

 

 

“Hindi raw kasi ako mukhang Pinay. Bakit daw ako ang pinadala to represent the Philippines. Na-hurt po ako kasi parang di ko raw deserve ang title,” sey ni Roxie.

 

 

Si Anjay Anson naman ay pinagtripan ng cyber bullies ang pagiging half-Indian niya.

 

 

“Marami silang sinasabi about my Indian heritage na di maganda. Di ko na lang pinansinz.”

 

 

Si Abdul Rahman na may lahing Muslim ay inatake sa social media dahil sa religion niya.

 

 

“There are so many opinions about my religion. Maraming di alam ang mga sinasabi nila. Kahit masakit, the best way to deal with it is just be kind to them.”

 

 

Kasama rin sa #Frenemies sina Shayne Sava, Zephanie, Lauren King, Vanessa Peña, Michael Sager at Princess Aliyah.

 

 

Ang second episode ng ‘Sparkle U’ ay #Ghosted na tampok ang Team Jolly nila Sofia Pablo at Allen Ansay. Tungkol naman ito sa pag-cope with mental health.

 

 

Kasama rin sa #Ghosted sina Liana Mae at Marco Masa.

 

 

***

 

 

MILESTONE para kina Sef Cadayona at Vaness del Moral ang makasama si Bea sa isang serye tulad ng ‘Love Before Sunrise.’

 

 

Kuwento ni Sef: “There was a scene na magkakasama kami sa isang dining table ni Dennis, Ms. Bea, Vaness and me. ‘Yun siguro ang pinaka tumagaktak ang pawis na eksena sa buong buhay ko.

 

 

“Hindi ko mapigilan ang aking pawis dahil bukod sa nate-tense ako, I wanna peforn at my best dahil nandito si Dennis at si Ms. Bea at siyempre si Marijo, si Ms. Vaness. Masasabi kong milestone sa akin, working with my idol, Ms. Bea.”

 

 

Masaya naman si Vaness na makatrabaho si Bea matapos nilang magkakilala sa isang workshop noon.

 

 

“First time ko makakasama si Bea. Nakasama ko siya sa scriptwriting workshop with Sir Ricky Lee. Ilang Sundays kaming magkasama doon. We got to know each other. I was also excited to work with her kasi siyempre first time, first time ko siyang makaktrabaho.

 

 

“Halos lahat yata ng artista sa GMA nakatrabaho ko na, so siyempre bago para sa akin na makatrabaho si Bea because first time ko siyang makakasama sa GMA.”

 

 

***

 

 

SUMAILALIM sa maselang surgery ang Italian actress na si Sophia Loren dahil sa aksidenteng natamo nito sa kanyang bahay sa Switzerland.

 

 

The 89-year-old Oscar winner suffered a broken hip and multiple fractures dahil sa pagkakahulog nito sa kanyang banyo.

 

 

Kinansela lahat ng personal appearances ng aktres kasama na rito ang pagbukas ng ika-apat na Sophia Loren Restaurant sa Bari, Italy.

 

 

Ayon sa report, naging maayos ang surgery sa former Hollywood sex symbol at on the road to rehabilitation na ito.

 

 

“Thankfully everything worked out for the best and the Lady will be back with us very soon,” ayon sa report ng source.

 

 

The Naples-born actress is best known for her role in the 1961 Italian film drama La Ciociara (Two Women), the same film which made her the first Oscar winner for a foreign-language film.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • The cards have spoken. Meet the characters of the new horror film “Tarot”

    A group of friends decides to delve into the world of the occult and read their destiny through tarot cards, only to unleash an evil trapped within. Meet the characters trying to race against death and their foretold future in the new horror film Tarot: Haley (Harriet Slater) is a spiritualist that is navigating a […]

  • Ads July 16, 2024

  • Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry

    MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa.     Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa.     Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t […]