• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-IBIG members, nakapagtala ng record-high na P59.52 bilyon savings

INIULAT ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ang kanilang mga miyembro ng record high na P59.52 bilyon na savings para sa unang walong buwan ng taong ito.

 

 

Nabatid na ito ay paglago ng 11.45% year-on-year, at itinuturing na pinakamalaking halaga na naipon ng mga miyembro mula Enero hanggang Agosto, sa kasaysayan.

 

 

Ayon kay Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na siyang namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, labis silang nagagalak na batid ng mga manggagawang Pinoy ang kahalagahan ng pag-iipon, gayundin sa pagpili nila sa Pag-IBIG Fund upang mag-impok.

 

 

Aniya, ang record high na savings ng kanilang mga miyembro para sa unang walong buwan ng taon ay nagpapakita lamang ng patuloy na pagtitiwala at kumpiyansa ng mga ito sa kanilang tanggapan.

 

 

“We are happy to see that more Filipino workers recognize the importance of saving and are choo­sing to save with Pag-IBIG Fund. The record high in Pag-IBIG members’ savings collected from January to August 2023 shows their continuing trust and confidence in us and in our programs,” ani Acuzar.

 

 

Dagdag pa niya, magandang balita ito dahil habang lumalaki ang kanilang koleksiyon ay mas maraming pondo ang maaaring gamitin ng mga miyembro na nais mag-aplay para sa home loan at short-term loans. “This is good news because as our collection increases, the more funds we are able to utilize for the benefit of our members who seek to apply for home loans and short-term loans. All these are in line with the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to improve the Filipino workers’ access to finance.”

 

 

Samantala, sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang paglaki ng savings ng mga miyembro na nakolekta ay nakita ng ahensiya hindi lamang sa kanilang mandatory Regular Savings, kundi maging sa kanilang voluntary MP2 Savings.

 

 

Nabatid na ang mga koleksiyon sa Pag-IBIG Regular Savings ay umabot sa P28.03 bilyon, o 7% pagtaas mula sa P26.16 bilyon na nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022.

 

 

Ang popular na MP2 Savings naman ng ahensiya ay umabot sa P31.50 bilyon, o 16% na pagtaas mula sa P27.25 bilyong nakolekta mula Enero hanggang Agosto noong nakaraang taon.

 

 

Noong 2022, ang Pag-IBIG Regular Savings ay kumita ng annual dividend rate na 6.53% habang ang MP2 Savings naman ay nakapagpaskil ng annual return rate na 7.03%.

Other News
  • BIR patuloy ang paghabol sa mga vloggers at online sellers

    PATULOY  pa rin ang gagawing paghahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga influencer, vlogger at online sellers.     Sinabi ni BIR deputy commissioner Marissa Cabreros, na hindi sila tumitigil sa paghahanap ng mga impormasyon sa income ng mga ito.     Susulatan aniya nila ang mga ito kapag hindi nagdeklara ng tama […]

  • Ads December 21, 2023

  • Dept. of Finance pinaburan na ang pagtanggal ng mga POGO sa bansa

    HINDI  pa rin nagbabago pang posisyon ng gobyerno kapag tuluyan ng tinanggal ang mga Philippine Offshore Gaming Operations or POGOs.     Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na walang gaanong magiging epekto sa bansa kapag tuluyan ng tinanggal ang mga POGO.     Nais din nito na dapat hindi na mabigyan ng visa ang […]