Airport security chief pinagbibitiw sa pwesto ni Speaker Romualdez
- Published on September 28, 2023
- by @peoplesbalita
HINILING ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibitiw sa pwesto ni retired PNP General Mao Aplasca na siyang hepe ng Office of Transport Security.
“I am advising the OTS chief: submit your courtesy resignation before the House of Representatives tackle the budget of your office. Mag-resign ka na. Kung hindi ka magsa-submit ng resignation, ako mismo ang magba-block ng approval ng budget ng OTS,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Ayon kay Romualdez, bigo si Aplasca na mahinto ang sunod-sunod na anomalya na kinasasankutan ng ilang security personnel sa Ninoy Aquino International Airport.
Babala ni Romualdez, hindi ipapasa ng Kamara ang budget ng tanggapan ni Aplasca hanggat hindi siya nagbibitiw sa pwesto.
Sabi ni Romualdez, makabubuting mag-resign na si Aplasca o kung hindi, ang House Speaker mismo ang haharang para hindi maaprubahan ang budget ng OTS. (Ara Romero)
-
Kahit na may nagne-nega at kumokontra: JANINE, sinabihan na ‘wag nang itago ang relasyon nila ni PAULO
HINDI na nga maitatago ang labis na kaligayahan ngayon ni Janine Gutierrez at base ito sa pinost na New York photos, kasama ang isang larawan ni Paulo Avelino na nakatalikod inilagay niya sa bandang huli. May caption ito ng, “once upon a time in NY (kasama ng pizza icon).” Nag-comment naman […]
-
Ads May 28, 2022
-
TOM, gumawa ng special poem at video para sa 35th birthday ni CARLA; walang celebration dahil parehong nasa lock-in taping
KAHIT nasa kani-kanilang lock-in taping ang engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, hindi sila nawawalan ng communication sa isa’t isa. Nitong nakaraang 35th birthday ni Carla, gumawa ng special poem at video si Tom para sa kanyang fiancee na kasalukuyang nasa lock-in taping ng teleseryeng To Have And To Hold. […]