‘Trabaho Para sa Bayan Act’ pirmado na ni Marcos
- Published on September 29, 2023
- by @peoplesbalita
PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na “Trabaho Para sa Bayan Act” na naglalayong tugunan ang unemployment at underemployment at iba pang hamon sa sektor ng paggawa.
Layon ng Senate Bill no. 11962 na pangunahing akda ni Senate Majority Joel Villanueva, na palakasin ang employability at competitiveness ng Pinoy workers sa pamamagitan ng upskilling at reskilling initiatives.
Gayundin ang pagsuporta sa micro, small at medium enterprises at industry stakeholders.
Nakasaad din sa “Trabaho Para sa Bayan Act” ang paglikha ng trabaho para sa Bayan Inter-Agency Council na pamumunuan ng Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ang co-chairman nito ay ang kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE at Department of Trade and Industry (DTI).
Sila rin ang babalangkas ng isang master plan para sa employement generation at recovery.
Kaagad naman ipinag-utos ni Marcos na balangkasin ang implementing rules and regulations para agad na mapakinabangan ng mga manggagawa.
Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng bagong batas ay mabubuksan sa mga Filipino ang bagong yugto para sa sapat at de kalidad na trabaho para sa lahat.
-
Proud na rumampa sa Cannes, France kasama ang pamilya: ‘Cattleya Killer’ nina ARJO, first Filipino drama na pinalabas sa MIPCOM
DUMALO ang award-winning actor and first-termer bilang Representative ng Quezon City District 1 na si Arjo Atayde para sa international premiere ng ABS-CBN’s six-part drama series na “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes, France. Ang MIPCOM (Marché International des Programs de Communication), o ang International Market of Communications Programs, ay isang taunang trade show na […]
-
72 DRINKING FOUNTAINS IPINAGKALOOB SA MGA PAMPUBLIKONG ESKWELAHAN SA LUNGSOD QUEZON
BILANG bahagi ng ika 26 anibersaryo ng Manila Water ngayong Agosto, inilunsad nito sa pamamagitan ng Manila Water Foundation (MWF) ang “Project Drink 72” na nagkaloob ng refrigerated drinking fountains (RDFs) sa 72 pampublikong eskwelahan sa lunsod Quezon. Ipinagkaloob ng Manila Water ang RDFs sa unang 20 pampublikong iskwelahan na ginanap sa Balara […]
-
Sahod ng kasambahay sa NCR, abot na sa P6K/buwan
AABOT na sa P6,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila makaraang aprubahan ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCR-TWPB) ang P1,000 dagdag-sahod sa kanila. Mabebenipisyuhan nito ang nasa 200,000 kasambahay na nagtatrabaho sa rehiyon. Sa kabila nito, naniniwala si outgoing Labor Secretary Silvestro Bello III […]