• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil na-deny ang apela sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’: Nagagalit kay MTRCB Chair LALA, mas lalong dumami

MAS lalong marami ang nagagalit ngayon kay Chairwoman Lala Sotto ng MTRCB.

 

 

Ang dahilan, dahil sa ang naging decision pa rin ng MTRCB ay tuloy ang 12 airing days suspension ng It’s Showtime. At denied ang Motion for Reconsideration na hinain ng It’s Showtime.

 

 

Nakakausap namin si Chair Lala kaya alam namin where she is coming from. Alam din namin na wala siyang kinalaman o hands-off siya sa kahit anong decision na nabubuo ng board pagdating sa lahat ng mga noontime shows.

 

 

Pero, obviously, tila bingi ang mga supporters, lalo na ng IS sa mga ganitong dahilan.

 

 

Ayon kay Lala nang makausap namin, “We don’t want to he swayed with the opinion of others. We are not here to please or get approval from other people.

 

 

“We’re here to uphold our mandate. I’m not here to please other people. I’m here to do my job and uphold our mandate.”

 

 

Sabi rin niya, “Marami rin opinion na i-cancel ko na ang It’s Showtime, pakikinggan ko rin ba ‘yon? May mga nagsasabing dapat i-extend pa ang suspension, susundin ko rin ba ‘yon? We must always remember that everything is subject to the interpretation and judgment of the board.”

 

 

Pero sabi nga namin, siya ‘yung ‘damn if you do and damn if you don’t’ sa ilang netizens dahil ang nakikita lang talaga sa kanya, ‘yung relationship niya sa mga host ng TV5’s ‘E.A.T.’

 

 

 

***

 

 

NGAYONG Lunes, October 2 na ang pagbabalik muli ng itinuturing na isa sa pinaka-masaya at matagumpay na game show sa bansa, ang ‘Family Feud’ sa GMA-7.

 

 

Naitanong namin kay Dingdong kung may pagkakataon na ba na may gusto siyang manalong grupo, pero natalo at ano ang naging reaksyon niya?

 

 

“Oo nga, medyo obvious minsan ‘yon, e. Minsan nga, kulang na lang, ibigay ko na ang sagot, e. Actually, binibigay ko, hindi niyo lang nakikita,” natatawang biro niya.

 

 

At sabi niya rin, “Meron talaga, meron talaga.

 

 

“Lalo na minsan, may mga guest na, hindi ko alam, baka bad day lang sila or sadyang hindi lang sila excited or kinabahan. Gustong-gusto nilang manalo. Kung gusto nila, gusto ko rin na manalo sila.

 

 

“Pero siyempre, ito yung laro na kahit hanggang sa dulo, biglang may magsusurpresa sa ‘yo. Kahit sino ka, pwede ka pa rin manalo.

 

 

“Minsan, nangyayari ‘yon.”

 

 

Bukod sa ‘Family Feud’ at ‘Amazing Earth’, siya rin ang host ng ‘The Voice Generations’. Halatang natuwa naman si Dingdong nang malaman niya ang naging komento sa kanya ni Johnny Manahan, ang director naman ng singing contest bilang host.

 

 

Ayon dito, alam daw niyang mahusay na actor si Dingdong, pero, nasurpresa siya sa husay rin nito bilang isang host.

 

 

“Hay naku, nakakakilig naman malaman ‘yon,” masayang sabi niya.

 

 

“Sa totoo lang, kinabahan ako no’ng una kong maka-trabaho si Mr. M. Kasi siyempre, alam ko na siya talaga ang nag-direk ng ‘The Voice’ for season 1.

 

 

“So alam ko, may certain level of expectation siya para sa isang host and ako, bilang new host of the franchise, siyempre, I want it also na kahit papaano, meet the expectation na sana, magawa ko ng maayos. And happy ako na pumasa naman ako sa kanya.”

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • MMDA, magsasagawa ng dry run ng expanded number coding scheme isang linggo bago ang F2F classes sa NCR

    NAKATAKDANG  magsagawa ng dry run sa expanded number coding scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw.     Ito ay bilang bahagi pa rin paghahanda ng kagawaran sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa bansa para sa school year 2022-2023 sa susunod na linggo.     Ayon kay MMDA Task Force Special Operations […]

  • Kim, kasama sa celebrity friends na bumati: MAJA, engage na rin sa longtime boyfriend na si RAMBO

    SA mismong Pasko ng Pagkabuhay, sinabay na in-announce nina Maja Salvador at longtime boyfriend na si Rambo Nuñez ang kanilang engagement.     Naganap ito sa El Nido, Palawan na kung saan doon sila nagbakasyon at kasama kani-kanilang mga pamilya.     Sa post sa Instagram ni Maja, “My new beginning @rambonunez,” kasama ang ring, at heart […]

  • PBBM, nagpahayag ng pakikidalamhati, simpatiya sa pangatlong Filipino victim sa Israel-Hamas conflict

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ni  Loreta “Lorie” Villarin Alacre, pangatlong Filipino na nasawi sa labanan sa pagitan ng  Hamas militants at  Israeli forces, na agad na iuuwi ang labi nito sa  oras na buksan  na ang humanitarian corridor sa mga apektadong sibilyan.     Si Alacre, 49 taong gulang, isang […]