• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGSASAAYOS NG BAYBAYIN NG MANILA BAY, PINABORAN NG MGA KONSEHAL NG LUNGSOD NG MAYNILA

PINABORAN ng Konseho ng Lungsod ng Maynila ang pagpapaganda at pagpapaayos sa baybayin ng Baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard na ipinapatupad ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

Sa resolusyong inihain at inakda sa Konseho nina  District 4 Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing at District 6 Councilor Salvador “Philip” Lacuna, sinusuportahan nila ang DENR at DPWH  ang paglalagay ng beachfront white sand (dolomite)  sa baybayin ng Manila Bay bilang bahagi ng  kanilang rehabilitasyon upang mapaayos, malinis at mapaganda ito.

 

Naniniwala rin ang mga may-akda na ang ginagawang pagpapayos ng dalawang sangay ng gobiyerno ay walang bahid na pagdududa na makakatulong at makakabuti ito sa publiko.

 

Ikinatuwiran ng dalawang Konsehal na ang coastline area ng Manila bay, particular ang bahagi ng Baywalk sa Roxas Boulevard ay maituturing na “crown jewels” ng Lungsod ng Maynila at isang tourist attraction sa buong mundo kung saan makikita  ang pagsikat at paglubog ng araw.

 

Sa kanilang datos, noong December 18, 2008, nang  iniutos ng Korte Suprema ang isang Mandamus sa Manila Bay na linisin, magsagawa ng rehabilitasyon at panatilihin ang tubig ng Manila Bay upang paglanguyan o magamit sa iba’t ibang sport activity ang lugar dahilan upang simulang linisin at tanggalin ang mga basura

 

Hindi rin anila, makatuwiran ang ilang pambabatiklos ng ilang sector at sa social media sa isyu ng kung magkano ang ginastos at pangastos sa panahon ng pandemia at nakakasama sa kalusugan,  gayunman, mismong  ang Department of Health (DOH) ang nagsabi na ang paglalagay ng dolomite sa lugar ay hindi nakakasama sa kalusugan dahil ginagamit din ito sa isang tourist destination sa buong mundo. Maging ang ilang ahensiya ng gobiyerno tulad ng DILG, DOT, MMDA, Presidential Spokesman at ilang Kongresita at iniindorso ang naturang proyekto.

 

Mismong ang Alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco “Isko Moreno Domagoso ay sumasang-ayon sa ginagawang  rehabilitasyon at pagpapaganda sa lugar dahil naniniwala itong magiging isang tourist attraction, nagbibiagy ang trabaho sa ilan at pagsisimulan ng pagbubukas ng negosyo sa lugar.

 

“Now Therefore, Be It Resolved, by the 11th City Council of Manila to Express No Objection, Utmost Support and Appreciation for the National Government’s Manila Bay Rehabilitation and Coastal Beach Nourishment Initiative on the Baywalk Shoreline along Roxas Boulevard in the City of Manila, as currently being implemented by the Environment (DENR) and Public Works (DPWH) Departments.” ayon sa kanilang resolusyon.

 

Bukod sa may-akda, sinang-ayunan din ang nasabing resolusyon ng 34 iba pang mag Konsehal ng Lungsod ng Maynila. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pangulong Marcos ‘di dadalo sa Peace Summit ni Zelenskyy

    IPAPADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconcialia­tion and Unity Carlito Galvez, bilang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.         Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), subalit hindi naman tinukoy kung bakit hindi makakadalo si Pangulong Marcos sa naturang summit.       […]

  • Batas na naglalayong gawing kriminal ang nagre-red-tagging, labis na nakababahala at mapanganib para sa bansa

    SINABI ng isang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ang Senate bill na naglalayong parusahan ang red-tagging ay gagamitin lamang para patahimikin o busalan ang mga nagsisiwalat sa mga nagsisilbing legal fronts ng communist rebels.   Ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy na ang nasabing batas na naglalayong […]

  • Ads November 11, 2020