• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, inaprubahan ang pagpapalabas ng P1 billion para sa Marawi siege compensation

INAPRUBAHAN   ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng  Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P1 bilyong piso saklaw ang Marawi Siege Victims Compensation sa  ilalim ng Fiscal Year 2023 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Winika ng ahensiya na ang pagsunod sa SARO, 362 biktima ang makatatanggap ng  monetary compensation sa  ilalim ng  National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).

 

 

Sa ilalim ng Special Provision No. 3 ng  NDRRMF sa  Fiscal Year 2023 GAA,  ang inisyal na pondo na  inilaan  ay gagamitin para bayaran ang ” Any lawful owner of residential, cultural, commercial structures and other properties in Marawi’s Main Affected Areas or Other Affected Areas destroyed or damaged, either totally or partially, on the occasion of the Marawi Siege; Owners of private properties demolished pursuant to the implementation of the Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program; The heirs of those who died and are legally presumed dead, in accordance with RA No. 11696 and guidelines to be promulgated by the Marawi Compensation Board.”

 

 

Binibigyan din nito ng mandato ang MCB para idetermina ang  “monetary compensation at award”  ng  lawful owner base sa Fair Market Value o replacement cost ng kabuuan o repair cost ng partially damaged structures ng residential, cultural, at commercial properties.

 

 

“The rehabilitation and recovery of Marawi has always been a project that is close to my heart,”  ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

“I am a Maranao by soul and blood, and I feel so much joy and pride seeing Marawi rise again six years after the siege. Seeing my fellow Maranaos overcome that dreadful history with so much strength and resiliency brings warmth to my heart.” sinabi ng Kalihim.

 

 

Pinasalamatan din nito si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. para sa patuloy nitong suporta para sa Mindanao, kung saan ang mga mamamayang Maranao at mga tao sa Mindanao ay kinalugdan.

 

 

“Indeed, there is still a lot more to do. But let this milestone serve as a reminder to all of us to shape a future moving forward, steered by our united commitment to achieve lasting peace and long-term prosperity,” ayon pa rin kay Pangandaman. (Daris Jose)

Other News
  • Mga pribadong kumpanya, maaaring makabili ng bakuna laban sa Covid-19

    TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ng COVID-19 vaccines ang lahat ng pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado.   May ilan kasing mambabatas ang nagpahayag ng pag-aalala sa di umano’y plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 na hadlangan ang mga pribadong kompanya na ang negosyo ay sigarilyo, infant milk […]

  • 10 Films To Catch On HBO This December 2020

    WHICH of these films are you putting on your watch lists?   We’re giving you a rundown of some of this month’s must catch films on HBO if you’ve been wanting to plan your movie nights ahead of time! Here are shows to catch on HBO for the month of December:       The […]

  • 2 kalaboso sa P137K shabu sa Valenzuela

    DALAWANG drug suspects, kabilang ang isa umanong high value target ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.     Sa report ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., alas-11:20 ng gabi […]