• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte: Beep Cards ibigay ng libre

IPINAG-UTOS ni President Duterte sa kanyang mga opisyales na ibigay na lamang ng libre and stored value cards o mas kilalang Beep cards sa mga commuters.

 

“Give the (Beep) card free,” ito ang kanyang sabi noong nakaraang Lunes ng magkaroon sila ng pagpupulong ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Malacanang.

 

Binigyan pansin ni Duterte ang lalhat ng sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapatupad ng cashless payment systems in public transportation lalong lalo na si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade.

 

Ang announcement ay ipinahayag matapos ang “no Beep card, no ride policy” para sa EDSA Busway buses ay ipinatupad noong Oct. 1 subalit pinahinto ni Tugade ng limang araw noong Lunes kasunod ng complaints ng mga commuters dahil kailangan pa nilang bumili ng Beep card na nagkakahalaga ng P80 at minimum na P100. Di pa kasama ang P5 fee para sa reloading. Ang minimum balance ay P65.

 

Nilinaw ni Duterte na ang cards na ipamimigay saa mga com- muters ang libre lamang subalit kailangan pa rin bumili ng load.

 

“I would like to talk to Secretary Tugade next meeting because I would raise with him the possibility of giving it free,” dagdag ni Duterte.

 

Dahil naman sa pagtuligsa sa bayad sa Beep cards, ang AF Pay- ments Inc. (AFPI), na siyang operator ng Beep card na ginagamit sa carousel buses along EDSA ay nagsabing magbibigay sila ng 125,000 na libreng cards sa mga “people in need.”

 

Ang consortium ay tinuligsa pagkatapos ang mga pasahero ng EDSA Busway ay kailangan bumili ng Beep card na nagkakahalaga ng P180. Ang card mismo ay nagkakahalaga nt P80 samantalang ang minimum load ay P100.

 

Samantala, sinabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpupulong sila sa AFCS providers at bus operator para sa guidelines ng order ni Duterte. Kanila rin pag-uusapan ang inter-operability ng cashless transactions.

 

“The cards would be eingineered to be readable even by another company’s AFCS and could be used not only in the EDSA Busway but also in other bus routes trainlines, modern jeepneys and other modes of transport that require cashless transactions,” ayon kay LTFRB technical chief Joel Bolano.

Other News
  • Sinner pasok na sa finals ng US Open

    Pasok na sa finals ng US Open si Jannik Sinner matapos talunin si Jack Draper.     Naging matindi ang labanan ng dalawa kung saan nakuha ng top-ranked tennis star na si Sinner ang score na 7-5, 7-6 (3), 6-2 .     Ang 23-anyos na Italian tennis star ay hindi na pinatawan ng parusa […]

  • Si Gretchen daw ang nagbuko na naghiwalay na: SUNSHINE, tikom pa rin ang bibig sa naging relasyon nila ni ATONG

    SI Gretchen Barretto raw ang source sa naglabasang isyu na hiwalay na raw sina Sunshine Cruz at Atong Ang.   Ayon sa source namin ay ibinulong daw ni La Greta sa mga close friends niya na tinapos na nina Sunshine at Atong ang may isang taong relasyon.   Pero kung sino ang nakikipaghiwalay at kung […]

  • Gilas todo kayod na sa ensayo

    PUKPUKAN na sa ensayo ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang first window ng FIBA World Cup Qualifiers na papalo sa Peb­rero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.     Kasama na ng Gilas Pilipinas pool ang mga players ng Talk ’N Text Tropang Giga matapos ang mga laro nito sa PBA Season 46 Govenors’ […]