• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Never naihayag at ‘di nakaporma… PIA, nagustuhan din ni ALDEN bukod kay MAINE

HINDI lamang pala kay Maine Mendoza nahulog ang loob ni Alden Richards sa mga panahong regular host pa ang Pambansang Bae sa Eat Bulaga!

 

Muntik palang magkaroon ng AlPia, bukod sa AlDub nina Alden at Maine, dahil nagkagusto pala si Alden kay Pia Wurtzbach.

 

Sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” ito ibinulgar ni Alden.

 

‘Di ba nga at matalik na magkaibigan sina Pauleen Luna (na host rin ng lumang EB) at Pia kaya may mga pagkakataon na pinapasyalan ni Pia si Poleng kahit na noong hindi pa nagwawagi sa Miss Universe si Pia.

 

Pero siyempre ang pagtingin ni Alden ay “from afar” at never inihayag ni Alden ang feelings niya para sa Miss Universe 2015.

 

“Sa Eat Bulaga, best friends sila ni Pauleen Luna e, so every now and then, si Pia would go there to say hi to Pauleen,” pagbabahagi ni Alden.

 

“Nakikita ko siya na hindi naka-glam, yung puso niya mabuti, and then after she won Miss Universe, parang grabe.”

 

At kahit raw win na si Pia bilang pinakamagandang babae sa universe ay hindi raw ito nagbago, hindi yumabang.

 

“I can attest that she has remained the same,” wika pa ni Alden.

 

***

 

HINDI na raw kinailangan ng Kapuso child actor na si Franchesco Maafi na mag -audition para sa pelikulang ‘The Gift’.

 

“Handpicked po ako ni direk. Sobrang saya ko po na hindi na po pinag-audition, hindi na po ako parang pina-acting, handpicked na po talaga.

 

“Tinawagan na lang po kami para mag-script reading na lang po, tapos iyon po, nagandahan naman po sila,” pahayag ni Franchesco na nakilala sa mga Kapuso serye na tulad ng ‘Beautiful Justice’, ‘Nakarehas Na Puso’ at ‘Hearts On Ice’ bilang batang Xian Lim.

Bida sa unang pagkakataon sa pelikula si Franchesco at ito ay sa ‘The Special Gift.’

 

“Ako po si Liam dito, ako po ay parang special na bata, meron po akong Savant Syndrome, parang meron po akong mild autism.”

Mahirap ba para sa isang twelve-year old na batang tulad niya ang umakting sa harap ng kamera?

 

“Para sa akin po sa una po talaga, nahirapan din po ako, pero kapag po yung tumagal na po, medyo gamay na gamay na po.”

 

Hindi raw siya nakakontrata sa GMA pero nagpapasalamat siya na binibigyan siya ng mga proyekto ng naturang TV network lalo pa at talagang hilig niya ang mag-artista.

 

May artistang iniidolo si Franchesco, for a very special reason…

 

“Si Dingdong Dantes po, kasi po ipinaglihi po ako kay Dingdong.”

 

Hindi pa niya nakakatrabaho si Dingdong pero may magandang ibinalita si Choco.

 

 

“Soon po, makakasama ko na siya.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Kaugnay ng Semana Santa… Mahigit 2,000 personnel, idedeploy ng MMDA sa major roads ng MM

    MAHIGIT 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipapakalat sa mga pangunahing lansangan at mga hub ng transportasyon sa Semana Santa.     Ayon kay MMDA spokesperson Mel Carunungan, may kabuuang bilang na 2,104 na mga personnel ang magmomonitor ng mga major roads sa Metro Manila.     Partikular na sa mga lugar […]

  • CATCH “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY” IN PH THEATERS DEC 15

    UNCOVER the root of all Evil in the action-horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City, exclusively in Philippine cinemas starting December 15.     [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]     “25 years ago, I walked the dread-filled corridors of the Spencer mansion, then experienced the rain-soaked night surrounding the Raccoon police station,” says writer-director […]

  • Ads September 28, 2023