Israel, nasa Alert Level 2 na
- Published on October 12, 2023
- by @peoplesbalita
INILAGAY na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 2 sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera doon. Ito ang inihayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega.
Sa ilalim ng Alert Level 2 o Restricted Phase, bawal na ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa duon.
Pero ayon kay de Vega, sa ngayon ay status quo naman ang deployment ng overseas Filipino workers sa Israel.
Paliwanag ng opisyal, ang estado para sa caregivers ay sumasailalim pa sa negosasyon mula noong 2020.
Naka-hold naman ang higit 100 hotel workers na may schedule dapat na bumiyahe dahil hinihintay pa ng pamahalaan ang go signal ng kanilang counterpart sa Israel. (Daris Jose)
-
Pamumuhunan na inaprubahan ng Board of Investments, tumaas ng 11%
NAGBIGAY nang malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023. Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang […]
-
Hirit ng netizens, makatagpo na sana ng kanyang ‘Captain Ri’: KC, nagpunta rin sa famous location ng ‘Crash Landing On You’ sa Switzerland
ANG sarap talagang ulit-ulitin ang short video sa IG post ni KC Concepcion na kung saan makikita ang mga magagandang lugar na kanyang pinuntahan. Say ni KC, “Alam ko mahilig ang mga Pinoy sa malamig na lugar pag nagtatravel pero gandang ganda ako sa Europe pag summer
Lumalabas lahat ng color~ feel na […]
-
3 drug suspects arestado sa P1M shabu
NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1- milyon halaga ng shabu sa tatlong sangkot sa droga, kabilang ang No. 1 sa top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities, Martes ng gabi. Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong […]