Aminadong tagahanga siya ng SB19: JENNYLYN, sobrang kinilig nang si STELL ang lumabas sa Tiktok filter
- Published on October 13, 2023
- by @peoplesbalita
ITO palang si Jennylyn Mercado ay tagahanga ng SB19, partikular ni Stell!
At dahil nga matindi ang kasikatan ni Coach Stell at ng Kapuso show na ‘The Voice Generations’, may nauuso ngayon na The Voice Generations Tiktok filter kung saan may randomizer at tila isa ka ring contestant sa TVG.
App ito na may pagkakataon ka na isa sa apat na mga hurado ang pumili sa iyo bilang contestant sa kanyang team; sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Chito Miranda at Stell.
“Magaling po ako, piliin niyo po ako Coach Stell,” ang hirit ni Jennylyn na sumubok sa naturang app.
At tila kinilig ang aktres nang ang lumabas na coach na pumili sa kanya ay walang iba kundi si Stell.
“Naku, fan na fan po ako, Coach Stell. Ay!
“Thank you, thank you. Kailan po mag-start,” ang pumapalakpak pang reaksyon ng aktres.
Napapanood ang ‘The Voice Generations’, hosted by Dingdong Dantes, sa bago nitong oras, 7:35 pm tuwing Linggo.
Si Jennylyn ay malapit na ring mapanood sa ‘Love, Die, Repeat’ with Xian Lim.
***
RELATE na relate pala talaga si Kazel Kinouchi as Zoey sa role niya sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’.
Sa AKNP kasi, ang kinikilala niyang ama ay si Dr. RJ Tanyag played by Richard Yap.
Pero ang tunay pala niyang ama ay si Dr. Carlos Benitez played by Allen Dizon, dahil nagka-affair dito ang ina ni Zoey na si Moira Tanyag played by Pinky Amador.
At sa tunay na buhay ay hindi pa nakita ni Kazel ang kanyang ama!
Ibinulgar ito ni Kazel sa recent guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
“We haven’t met. I don’t have any idea how he looks like hanggang ngayon.”
Ayon pa kay Kazel, nag-effort siya na hanapin ang kanyang tunay na ama.
“I tried to look for him pero noong early 20s. By the time that I tried to look for him, he passed away na pala.”
Isang kamag-anak niya ang nagsabi sa kanya na pumanaw na pala ang kanyang ama.
Noong mga panahon na hinahanap ni Kazel ang tatay niya ay hindi pa boom ang social media kaya nahirapan siyang tuntunin ang kinaroroonan nito.
“I don’t know if it’s just me pero alam mo yun Tito Boy, pagkalabas mo pa lang, kakapanganak mo pa lang, growing up without a father, hindi ko na natanong.
“Tsaka, I was full of love naman, e. I was a lola’s girl. I was raised by my lola tapos yung tita ko,” kuwento pa ng dalaga.
Hindi na rin naman raw nila pinag-usapan ito ng kanyang ina at ayaw na rin naman niyang mailang o maging awkward pa ang ina niya kung inungkat niyo dito ang tungkol sa kanyang ama.
At normal para sa isang anak na hindi nakilala ang kanyang biological father ang ikalungkot ang ganitong sitwasyon.
Kaya naman swak na swak kay Kazel ang role niya bilang si Zoey sa “Abot-Kamay na Pangarap”
“Si Zoey kasi, yung character niya, she longs for a dad. Meron siyang dad, pero wala siyang time.
Napapanood sa GMA Afternoon Prime, patuloy na naghahari sa ratings game ang AKNP sa telebisyon.
***
KAABANG-ABANG kung magpapakita ng hubad na katawan si Ken Chan sa bagong episode ng ‘Magpakailaman’ o #MPK.
Siya kasi ang gaganap sa life story ng ‘The Clash’ season 1 grand finalist at Kapuso singer na si Anthony Rosaldo.
At aware naman tayo na bilang isang hunky Sparkle male star ay walang pakundangan si Anthony na mag-post ng mga shirtless photos niya sa kanyang Instagram account.
May “K” o karapatan naman si Anthony dahil alaga sa gym ang katawan ng binata kaya naman napaka-macho nito.
Kaya bilang si Anthony, marami kayang hubad na eksena si Ken sa #MPK na pinamagatang ‘Song For Daddy: The Anthony Rosaldo Story.’
Bakit ganito nag pamagat? Bahagi kasi ng buhay ni Anthony ang pagkakaroon ng cancer ng kanyang ama.
Ipapakita rin sa episode ang pagluwas niya mula Samar sa pagbabakasali ni Anthony na makatagpo ng magandang kapalaran sa Maynila bilang isang singer kung saan nag-audition siya kung saan-saan nguni’t hindi agad pinalad.
Abangan ang brand new episode ng #MPK sa October 14, 8:00 p.m. sa GMA.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ads January 24, 2024
-
Well-funded troll campaign na suportado ng drug syndicates, POGOs para i-derail ang Quad Comm probe
KINONDENA ng lead chair ng House Quad Committee ang lumilitaw na well-funded at nagkakaisang o orchestrated troll campaign na umano’y pinopondohan ng illegal drug syndicates at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para papanghinain ang ginagawa nitong imbestigasyon. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang naturang kampanya na naglalayong siraan ang […]
-
3 drug suspects, timbog sa P100K droga sa Malabon
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Sa kanyang report sa bagong OIC ng Northern Police District (NPD) na si Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan […]