• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Star-studded ang premiere night ng movie: ALDEN at JULIA, napakahusay at kakaiba ang pagganap

STAR-STUDDED ang naging premiere night ng pelikulang ‘Five Breakups and a Romance’ na ginanap sa SM Megamall noong Martes ng gabi.

 

Ibang klase ang ipinakitang suporta ng mga kapatid ni Julia Montes sa Cornerstone Entertainment at maging ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ pa na kunsaan, naging bahagi rin si Julia.

 

At siyempre, ang mga Kapuso at kaibigan ni Alden. Ang kanyang pamilya ay present din sa premiere night, mula sa kanyang Lola, Daddy at mga kapatid.

 

Maaga pa lang, dumating na ang mga actress na sina Lorna Tolentino, Gina Alajar, at Jaclyn Jose. Magkasabay na dumating sina Cherry Pie Picache at John Estrada. At gayundin si Shaina Magdayao.

 

Dumating din ang executives ng GMA-7 na sina Atty. Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, at Tracy Garcia ng Sparkle GMA Artist Center. Gayundin ang Star Cinema’s Malou Santos.

 

Ang mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, Sanya Lopez, Dion Ignacio, Kelvin Mirandam Jane de Leon, Kristoffer Martin, Christian Bautista, Jo Berry, Rodjun Cruz.

 

Ang mga talents ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sina Iñigo Pascual, Alex Diaz, Moi Bien Marcampo, Queenay Mercado, Elijah Canlas, Kyle Echarri, Empoy Marquez, KZ Tandingan at iba pa.

 

Ang Megastar na si Sharon Cuneta ay nanood din, lalo pa nga’t parehong napakalapit na sa puso niya nina Alden at Julia.

 

Magkasama namang dumating sina Miles Ocampo at Kathryn Bernardo. Parang bumalik ang mga ‘Goin’ Bulilit’ bff.
At si Kathryn na talagang ipinakita rin ang suporta kina Alden at Julia. Sabi ni Kathryn, since comeback movie raw ito, lalo na ng kaibigang si Julia, talagang hindi niya pwedeng i-miss.

 

Showing na ngayon sa over 230 cinemas nationwide ang ‘Five Breakups and a Romance’ na sana ay suportahan ng mga manonood.

 

Parehong napakahusay nina Alden at Julia sa movie at umpisa pa lang, siguradong masasabi na “Ibang Alden” at “Ibang Julia” ang mapapanood nila.

 

Sa direksiyon ni Irene Villamayor under Cornerstone Entertainment, GMA Pictures at Myriad Entertainment.

 

***

 

PINAG-UUSAPAN ngayon sa social media at sa showbiz industry ang paglantad ni Abegail Rait at ng kanyang 15-year-old daughter na si Cheska na diumano’y anak sa kanya ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.
Sa video na inilabas ni Boss Toyo sa kanyang “Pinoy Pawnstars” vlog, makikitang ibinebenta ni Abegail ang blue jersey ni Francis noong nabubuhay pa ito na aniya ay binigay sa kanya ng yumaong master rapper.

 

Ang nasabing jersey ay may kasamang letter ni Francis M. kay Abegail na nagsasaad ng “I love you so much” at larawan nilang magkasama na kuha raw noong 2007.

 

Sa kuwento ni Abegail ay nagkakilala sila ni Francis nang manood siya noon sa studio ng “Eat Bulaga” kung saan nga ay isa sa hosts ang rapper.

 

Nakita raw siya ni Francis at gumawa ng way para makuha ang kanyang contact number. Hanggang sa nagkaroon na nga sila ng relasyon at nabuntis siya.

 

Dahil sa paglantad na ito ng mag-ina, may mga naniwala agad at meron din naman talaga na nagsasabing kahit ngayon lang lumantad ang mga ito, tila may motibo dahil sa balitang papasok din sa showbiz ang sinasabing anak ni Francis M.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response

    NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines.     Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng […]

  • Lacson, Sotto, Magalong nagsanib vs hacking

    Dahil sa lumalalang problema sa cybersecurity at hacking, binigyang-tuon ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente Tito Sotto III, kasama ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paghahanap ng solusyon sa isyung ito na nambibiktima lalo na sa mga overseas Filipino worker.     […]

  • NBA BUBUKSAN SA DEC. 22

    MAGSASAGAWA ang NBA team owners at players union ng magkahiwalay na meeting upang maselyuhan na ang nilulutong pagbubukas ng liga sa December 22 para sa 2020-2021 kampanya ng liga.   Inaasahang magkakasundo sa gagawin meeting ang National Basketball Players Association at ang liga sa 72 games per club at sa Dec. 22 na pagbubukas ng […]