• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para nang isang ina sa mga alagang ibon: ALESSANDRA, ‘di nahirapang gumanap na nanay kahit wala pang anak

MAY mga artistang ayaw gumanap bilang nanay lalo pa at hindi pa nagkakaroon ng anak.

 

 

Pero dahil mahusay na aktres, kesehodang dalaga pa siya ay pumayag si Alessandra de Rossi na gumanap bilang isang ina sa pelikulang ‘Firefly.’

 

 

Pasok ang ‘Firefly’ (ng GMA Public Affairs at GMA Pictures) sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.

 

 

Sa interbyu ni Kuya Kim Atienza kay Alessandra sa “Not Gonna Lie” segment ng “Dapat Alam Mo!” tinanong si Alessandra o Alex kung na-challenge o nahirapan ba siya mag-portray bilang ina (na si Elay) ng child actor na si Euwenn Mikaell.

 

 

“I’m not gonna lie, hindi totoo! Hindi ako nahirapan ‘no! Madali,” ang kuwelang sagot ni Alex.

 

 

Ayon kay Alex, para na rin kasi siyang isang ina sa mga alaga niyang ibon. Yes, kung karamihan sa atin ay may pet dogs o cats, si Alex ay matagal nang nag-aalaga ng mga ibon na mahal na mahal niya.

 

 

“I have birds. Sila yung inspiration ko.

 

 

“Si Euwenn, yung anak ko doon [sa Firefly], tingin ko sa kaniya si Kitten. “Ayoko siyang mapahamak, ayoko siyang masaktan,” pagtukoy ni Alex sa pet bird niyang si Kitten.

 

 

Kaya ang dayalog pa ni Kuya Kim kay Alex, tiyak naman na hindi siya hirap gumanap bilang nanay, na buong kuwelang sinagot ni Alex ng…

 

 

“Oo. Mahihirapan siguro ako kung ang role ko tatay!”

 

 

O di ba, karakter talaga si Alessandra?

 

 

Samantala, nasa ‘Firefly’ rin sina Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, at Kokoy de Santos, with special participation ni Dingdong Dantes, sa direksyon ni Zig Dulay.

 

 

***

 

 

 

NAGING co-host ng Wowowee (2005-2007) ni Willie Revillame si Janelle Jamer, kaya hiningan namin siya ng opinyon tungkol sa suspensyon ng ‘It’s Showtime’ dahil sa icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez.

 

 

“Ako bilang naging host ako ng isang live show, actually mahirap talagang maging host ng isang live show because minsan nadadala ka ng kasiyahan ng grupo or kung sino yung kaeksena mo or co-host mo sa isang show.

 

 

“Kung ano yung ibato siyempre minsan nagre-reciprocate ka or bumabato ka rin. Minsan dahil nadadala ka ng sobrang kasiyahan hindi mo na naiisip kung lumalampas ka ba dun sa boundaries mo.

 

 

“Kung sa tingin mo wala namang, hindi din siya ganun katinding or below-the-belt na joke parang… ide-deliver mo siya.

 

 

“But then dahil nga nasuspinde sila based sa MTRCB, pagkain nila ng icing, ako, kasi MTRCB iyon e, pananaw ng MTRCB yun, siguro bilang galing ako sa isang comedy bar at isang noontime show, for me wala akong nakikitang masama.”

 

 

Naging regular performer si Janelle sa comedy bar na Punchline sa Quezon City noong 2004 hanggang 2008.

 

 

“Siguro nahaluan lang talaga ng intriga lalo kasi may mga bata dun sa tabi nila.

 

 

“Pero kung hindi talaga siya masyadong, siguro puwede naman sana siyang, what do you call this, pinalusot, or isang eksenang puwedeng ihingi ng tawad, di ba?”

 

 

Nakatsikahan namin si Janelle sa 3rd SamLo Cup ng matalik na kaibigan ni Janelle na si Samantha Lopez.

 

 

Ang taunang celebrity golf tournament, na nasa ikatlong taon na, ay isang fund-raising event bilang selebrasyon ni Samantha ng kanyang kaarawan (Oktubre 18) na ang beneficiary ay ang mga kabataan ng Kids For Jesus Foundation na pinamumunuan ng bestfriend ni Samantha na si Jessica Guevara Everingham.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Doon na magsi-celebrate ng mag-Pasko at Bagong Taon: Pambato ng ‘Pinas na si CELESTE, nasa US na bilang paghahanda sa ’71st Miss Universe’

    NASA US na si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi para sa kanyang paghahanda sa 71st Miss Universe na gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana.     Sa US na mag-Pasko at Bagong Taon si Celeste dahil sa magiging schedule of activities ng Miss Universe pagpasok ng January 2023.     […]

  • Isyu ng Taiwan Strait, hindi maiiwasan na pag-usapan sa ASEAN Summit- PBBM

    HINDI maiiwasan na mapag-usapan  ng mga lider na dadalo sa 42nd ASEAN Summit ang isyu ng tensyon sa Taiwan Strait.     Inamin ng Pangulo na ang usaping ito ay “inevitable, unavoidable” at isang “grave concern” sa lahat ng member-states ng ASEAN.     “Parang inevitable, eh. Unavoidable ‘yung subject matter na ‘yun dahil pare-pareho […]

  • Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’

    SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation.  Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.  Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan. Pero nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga. “Thank you so much sa mga nagsasabi. I […]