• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gun ban violators sa BSKE, pumalo na sa higit 1,600

TINATAYANG  nasa 1,615 gun ban violator na ang nadakip ng Philippine  National Police (PNP) simula nang ito ay  ipatupad kasabay ng isasagawang  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.

 

 

Kampanya ito ng PNP upang masiguro na maa­yos at payapa ang barangay eleksyon ngayong taon.

 

 

Lumilitaw sa datos na inilabas ni PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, bukod sa lumalaking bilang ng naaresto, umabot na rin sa 1,210 armas ang nakumpiska ng mga awtoridad.

 

 

Nasa 2,194 na mga armas ang idineposito para sa safekeeping; at 1,483 naman ang kusang isinuko.

 

 

Samantala, nakapagtala rin ang PNP ng 97 crime incidents bago ang takdang halalan sa Oktubre 30.

 

 

Sa kabuuang bilang, 18 dito ang may kaugnayan sa BSKE na kinabibilangan naman ng 12 insidente ng pamamaril; dalawang kidnapping; isang grave threat; isang indiscriminate firing; isang gun ban violation; at isang armed encounter.

 

 

Patuloy pang isinasailalim sa balidasyon ang 13 suspected election-related incidents na kinabibilangan ng dalawang pamamaril; dalawang physical injuries; dalawng assault; dalawang paglabag sa gun ban; dalawang pambubugbog; isang harassment; isang pananaksak, at isang armed encounter.

Other News
  • Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara

    IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker at Pampanga  Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng kamara sa mandatong ito.     “As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members […]

  • Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo

    Schedule sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum) 5:30 pm – Awarding Ceremony 6 pm – AdMU vs UP     Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball […]

  • Tatalakayin ng IATF: posibleng paghihigpit sa pagpapa-uwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week

    NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa iba’t ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais […]