• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, target na gawing fully digital ang aplikasyon ng Student Permit at Drivers License

INIHAYAG ng Land Transportation Office na plano nilang gawing fully digital ang aplikasyon sa pagkuha ng mga Student Permit, Driver’s License at renewal.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, doble effort ang ginagawa ng kanilang ahensya upang matugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Paliwanag ng opisyal, mababawasan na ang mga fixers sa ahensya dahil kaunti na lamang ang face-to-face transactions sa ahensya.

 

 

Giit ni Mendoza, ang teknolohiya ay talagang epektibo upang mapuksa ang korapsyon sa lahat ng mga transaksyon sa kanilang tanggapan at mga satellite offices nito.

 

 

Pinapagbuti at pinalalakas na rin ngayon ng LTO ang kanilang information dissemination.

 

 

Layunin nitong mahikayat ang mga motorista na tangkilikin ang online transactions sa registration at renewal ng motor vehicle registration.

 

 

Paliwanag pa nito na nasa proseso na ang LTO sa pag-integrate ng bagong IT system sa lumang sistema upang masigurong hindi magkakaaberya o technical glitches.

Other News
  • Dahil nag-resign si Miss Thailand: Korona ng ‘Miss Interglobal 2021’, binigay kay Miss PH MIRIAM REFUERZO DAMOAH

    BAGO pa man maganap ang Miss Universe pageant, nakapanalo ulit ang Pilipinas ng isa pang korona mula sa isa pang international beauty pageant.     Binigay ang korona bilang Miss Interglobal 2021 kay Miss Philippines Miriam Refuerzo Damoah pagkatapos mag-resign ni Miss Thailand Nachita Jantana. Si Damoah ang first runner-up kay Jantana sa naturang Nigeria-based […]

  • Dating pedicab driver sikat at malayo na ang narating

    Sobrang layo na ang narating ni Arwind Santos ng San Miguel Beer na dati lamang na pedicab driver sa Angeles City, Pampanga pero ngayon ay isa na ito sa natatanging bahagi ng 40 greatest  player ng PBA.   Para lamang magkaroon ng kakainin ang pamilya nila noon, kailangan kumayod nito sa pamamagitan ng pagpadyak ng […]

  • Hirit sa Kongreso na P2 bilyong pisong supplemental budget para sa DoH

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi naman ipagdaramot ng Kongreso ang hirit ng Department of Health na dalawang bilyong pisong supplemental budget para sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa banta ng COVID-19.   Nauna rito ay umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa liderato ng kongreso na aprubahan ang supplemental budget sa panahong ito […]