• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, umaasa: bilang ng mga enrollees tataas pa hanggang sa buwan ng Nobyembre

UMAASA pa rin ang Department of Education na tataas pa ang bilang ng mga estudyante na magbabalik -eskwela ngayong taon.

 

Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, batay sa inilabas nilang polisiya, maaari pa ring tumanggap ang mga paaralan ang mga late enrollees hanggang sa buwan ng nobyembre.

 

Ngayon aniyang unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya at marami na sa mga magulang ang nagbabalik sa kanilang hanapbuhay.

 

Tiwala rin ang Kalihim na marami pang mga kabataan ang makakabalik na sa kanilang pag-aaral.

 

Kumbinsido si Sec. Briones na kakayanin pang habulin ng mga late enrollees ang 80% ng Kanilang curricular requirements hanggang sa susunod na buwan.

 

Nauna rito, sinabi ng DepEd na bumaba ng tatlong milyon ang enrollment ngayong taon lalo na sa mga pribadong paaralan kung saan ayon sa deped ay resulta ito ng ipinatupad na ilang buwan na pagsasara ng ekonomiya dahil sa banta ng Covid-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Guce tumapos na ika-25 sa Michigan, P98K sinubi

    NAGSALPAK ng even-par 72 sa likod ng four birdies at two bogeys at one double bogey si Clarissmon ‘Clariss’ Guce para sa three-day aggregate six-under par 210 upang humalo sa triple-tie sa 25th place na mayroong $2,049 (P98K) sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass […]

  • Alegasyon ng transport group, Land Bank ayaw mag release ng fuel subsidy

    BINATIKOS ng ilang grupo ng transportasyon ang pahirapang pagkuha ng kanilang fuel subsidy mula sa Land Bank of the Philippines (LBP).       Ayon sa grupo na ayaw magbigay ng fuel subsidy ang LBP dahil sa election spending ban.       Sinabi ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines […]

  • Pinoy ice skater Michael Martinez sinimulan na ang fundraising activities para sa pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics

    Sinimulan na ni Filipino ice skater Michael Martinez ang kaniyang fundraising activities para sa kaniyang pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics sa Pebrero 22.     Sa kanyang social media nagpost ito ng mga larawan at video ng kaniyang training sa US.     Pinaghahandaan kasi nito ang Olympic qualifying tournament sa NEBELHORN TROPHY na […]