Nakaka-touch na post, nagpaiyak sa netizens: KC, thankful sa mga ‘silver lining’ kasama sina SHARON at GABBY
- Published on October 26, 2023
- by @peoplesbalita
NAKAKA-TOUCH at nagpaiyak sa ilang netizens ang pinost ni KC Concepcion, tatlong araw bago masilayan ang ‘Dear Heart: The Concert’ ng kanyang Mommy Sharon Cuneta at Daddy Gabby Concepcion.
Para kay KC at maraming followers na dream come true at answered prayer ang reunion concert nina Sharon at Gabby na magaganap na bukas ng gabi, October 27, sa SM MOA Arena.
Makikita nga sa kanyang IG account, nag-post si KC ng mga photos ng kanyang mga letters para sa kanyang Mommy Sharon kasama ang baby photos with her parents.
Sa caption ni KC sa kanyang post…
“Sometimes talaga ang fairytale will remain to be a fairytale lamang… Pero that’s okay!
“Thankful ako sa mga ‘silver lining’ natin in life. Imagine, 3 days nalang at magsasama sila Mama and Papa in a musical celebration after so many years…
“May ganito pa palang pwedeng mangyari!!!
“Fairytale come true parin naman, diba?
“Letters to Mama. Care of mama.”
Sa kanyang sulat kamay noong bata pa si KC, mababasa naman ang mensaheng, “Dear Mommy…
“I hope I can go with you now. I love you so much. I will write you always again okay.
“Sana papa stays with us so we will be a complete family like what you said in your letter.
“I love you so much talaga okay.”
Pinusuan ito ng netizens at ang dami ng nagkomento sa post ni KC kabilang na ang mga celebrities na sina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Geneva Cruz, Vina Morales at ang kanyang boyfriend na si Mike Wuethrich, at marami pang iba.
Narito naman ang ilan sa komento ng netizens…
“These will be a very memorable for you KC..time to heal all wounds…”
“So touching. Naiyak ako dito. Yan naman talaga wish ng mga anak pag na broken ang family.”
“I’m crying while reading your letter.”
“Sending my Love for you may dear KC! Soon magkakaroon ka rin ng complete family. 🙏God bless you always.”
“Ramdam mo yung batang KC na gusto complete family sila.”
“You are such a wonderful person @kristinaconcepcion … I am so happy for you.”
“God answers prayers in his perfect time. Just enjoy the moment with this epic event, one for the books!”
“One of the things that every child prays for.. I feel you ate @kristinaconcepcion. and also like you i will never get tired praying na oneday magkakasama sama kami ulit in one picture. Our Hope is on our Living God. Nothing is impossible.”
“I love KC pinapaiyak mo ako parati tuwing may post or comment ka sa parent mo. Ganda ng pagpapalaki sayo.”
“Ate Tina, please don’t forget the family picture backstage sa 27 po ha? Once in a lifetime lang yan, dapat may picture kayong tatlo together na bago.”
“Grabe siguradong babahala ang luha sa MOA.”
Samantala, nagpasilip naman si Sharon ng photo at video habang nagri-rehearse sila ni Gabby para concert, na kinakiligan ng husto ng mga netizens.
(ROHN ROMULO)
-
Nalungkot na ‘di na ito na-witness ni Direk Marilou: CESAR, naluha nang mapanood ang restored version ng ‘Jose Rizal’
HINDI napigilan ng batikang aktor na si Cesar Montano na maluha matapos panoorin ang digitally restored and remastered version ng ‘Jose Rizal’, ang pelikulang pinagbidahan niya noong 1998 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theatre. “This movie was released about 26 years ago, hindi ko akalain na mapapaiyak pa rin ako, e. Sobra, sobrang […]
-
DND, lalagda ng kontrata sa pagbili ng 32 ‘Black Hawk’ helicopters
NAKATAKDANG tintahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang isang kontrata para sa pagbili ng 32 karagdagang S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters mula PZL Mielec ng Poland, Martes ng tanghali. “Bukas po ng hapon, Mr. President, ay pipirmahan ko ‘yung kontrata para sa karagdagang 32 ‘Black Hawk’ helicopters,” ang […]
-
China nagpatupad muli ng COVID-19 restrictions dahil sa patuloy na paglobo ng mga dinadapuan ng virus
MAS hinigpitan pa ng Shanghai, China ang COVID-19 restrictions matapos ang patuloy na paglobo ng mga nadapuan. Nagpatupad na rin sila ng lockdown para magpatupad ng testing sa mga residente. Aabot sa mahigit 26 milyon katao ang apektado dahil sa ipinatupad na lockdown kung saan pinagbawalan ang mga ito na lumabas. […]