• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Susunod na lang ang ina at mga kaibigan: MICHELLE, mag-isang pupunta sa El Salvador para sa ‘2023 Miss Universe’

ILANG araw na lang at lilipad na si Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee for El Salvador para sa 2023 Miss Universe pageant.

 

 

 

Bibit ni Michelle ang mga dasal na maiuwi niya ang Miss Universe crown para sa bansa.

 

 

 

Ilan sa mga Sparkle artists na nagpadala ng “good luck” wishes kay Michelle ay sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Shaira Diaz at Arra San Agustin. Nagbigay din ng words of encouragement si Miss Universe PH 2011 at National Director ng Miss Universe PH Organization na si Shamcey Supsup.

 

 

 

Mag-isa lang daw na pupunta si Michelle sa El Salvador at sa coronation night on November 18 na niya makikita roon ang kanyang inang si former Miss International 1979 Melanie Marquez at mga close friends na sina Rhian Ramos, Sam Verzosa at marami pang iba.

 

 

 

***

 

 

 

MATAGAL nang hinahanap ng netizens ang Kapuso hunk na si Bruno Gabriel.

 

 

 

Pagkatapos kasi ng tatlong teleserye ay bigla itong nawala sa eksena.

 

 

 

Papainit na sana ang career nito noong rumampa ito bilang isa sa celebrity endorsers ng Bench Body underwear noong 2018.

 

 

 

Pero mukhang wala na itong balak na bumalik sa showbiz dahil kinasal na ito sa kanyang fiancee na isang international model na si Yana Stolyarova.

 

 

 

Naganap ang civil wedding nila noong October 13 dito sa Pilipinas.

 

 

 

“Posting this for the record. More to reveal after our actual wedding celebration on November 🥰 But here we are, legally married ❤️ 23.10.23,” caption ni Bruno sa Instagram.

 

 

 

Si Bruno ay anak ng dating aktres at piloto na si Lani Lobangco. Tita naman niya si Rachel Lobangco. Kasalukuyang nag-aaral itong maging chef sa Center For Asian Culinary Studies.

 

 

 

Lumabas si Bruno sa mga GMA teleserye na ‘Hahamakin Ang Lahat’, ‘Ang Forever Ko’y Ikaw’ at ‘My Special Tatay’.

 

 

 

***

 

 

 

MULING magtatanghal sa Pilipinas ang English singer-songwriter na si Ed Sheeran sa susunod na taon.

 

 

 

Dadalhin ni Ed Sheeran sa Pilipinas ang kaniyang ‘+ – = ÷ x Tour’ na gaganapin SMDC sa Festival Grounds sa Paranaque City sa March 9, 2024.

 

 

 

Ayon sa Ovation Productions, mabibili na tickets via ovationtickets.com at smtickets.com.

 

 

 

Dating nang nagtanghal sa Manila si Ed noong 2015 at 2018. Lumabas naman siya sa isang episode ng “All Out Sundays” noong 2021. Nitong nakaraang Marso, inilabas ni Ed ang kaniyang latest album na “Subtract.”

 

 

 

Sinimulan niya ang kaniyang concert tour sa US bilang suporta sa kaniyang album, na tinawag niyang “most honest” album niya.

 

 

 

Kasama sa album ang heartbreaking single na “Eyes Closed.” Kabilang sa mga hit song ni Ed ang “Perfect,” “Shape of You,” “Photograph,” “Lego House,” at marami pang iba.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • NAVOTAS nakapasa sa DILG GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING

    MULING nakapasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).     “This recognition is a testament to our commitment to transparent and honest utilization of public funds, ensuring that they are spent towards programs and services that contribute to the welfare of […]

  • PDu30, opisyal nang pinagbawalan ang mga Cabinet officials na dumalo sa Senate Pharmally probe

    OPISYAL nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga opisyal at empleyado ng executive department na tigilan na ang pagdalo sa Senate investigation ng P8 billion medical supply na binili ng pamahalaan mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.   Ang kautusan ay ipinalabas sa pamamagitan ng October 4 memo na tinintahan ni Executive Secretary Salvador […]

  • Fernando, nagpaalala na sundin ang minimum health standards sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS- Muling pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa mga nakalipas na linggo.     “Kung maaari po, lagi nating isipin na may virus, mag-ingat at maging maingat po […]