• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahihilera na kina Manny, Pia at Catriona: LEA, balitang magkakaroon na ng wax figure sa Madame Tussauds sa Singapore

BALI-BALITANG malapit nang magkaroon ng kanyang sariling wax figure ang Filipina international star na si Ms. Lea Salonga sa Madame Tussauds Wax Museum.

 

 

Ayon sa Merlin Entertainments, ang company na nag-o-operate ng Madam Tussauds, pinipili na nila ang next Filipino celebrity para mai-display sa bagong branch ng Madame Tussauds sa Singapore.

 

 

So far, tatlong Filipino celebs pa lang ang may wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong. Ito ay sina Pambansang Kamao Manny “Pacman” Paquiao, at sina Miss Universe 2015 and 2018 na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

 

 

Nasa top of the list si Lea dahil bukod sa siya ang kauna-unahang Asian actress na manalo ng Tony Award for Miss Saigon, isa rin siyang Disney Legend dahil sa kanyang pag-awit sa mga Disney animation films na Aladdin at Mulan. Nakasama rin ang boses ni Lea sa short film na Once Upon a Studio para sa Disney 100th anniversary.

 

 

After ‘Here Lies Love’, nasa London si Lea para sa tribute revue na Stephen Sondheim’s Old Friends. At muli siyang mapapanood sa mystery drama series ng HBO na ‘Pretty Little Liars: Summer School’.

 

 

(RUEL J. MENDOZA) 

Other News
  • Administrasyong Marcos, prayoridad ang food security

    GAGAWIN lahat ng incoming administration ni  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang makakaya nito at pagsisikap upang matiyak ang  food security sa bansa.     Ito’y matapos magbabala ang  World Bank,  World Trade Organization,  United Nations Food and Agriculture Organization, at  World Food Programme ng  global food crisis na makaaapekto sa mahihirap at developing countries. […]

  • They are watching. Supernatural horror directed by Ishana Night Shyamalan “The Watchers” unveils trailer

    Exciting new filmmaker Ishana Night Shyamalan conjures up horror in her feature directorial debut The Watchers, starring Dakota Fanning, Georgina Campbell, and Olwen Fouérém, based on the novel of the same name by A.M. Shine. Trapped in an untouched forest in western Ireland, Mina (Dakota Fanning) finds shelter alongside strangers, but something else finds them […]

  • NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH ALLOWANCE SA PWD STUDENTS

    NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng cash allowance sa special education (SPED) students.     Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance.     Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at […]