• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa Barangay, SK-elect officials; pinaalalahanan ang mga ito na maging “tapat at taus-pusong” magsilbi sa nasasakupan

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong halal  at re-elected barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials sa katatapos lamang na halalan, araw ng Lunes. 
Pinaalalahanan niya ang mga ito na maging tapat at taus-pusong magsilbi sa kanilang nasasakupan.
Sa isang video message, umaga ng araw ng Martes, Oktubre 31, binigyang diin ni Pangulong Marcos na  ang barangay at SK officials ay may mahalagang papel na ginagampanan sa komunidad.
Hinikayat niya ang mga ito na  “to serve the people wholeheartedly and to always prioritize their welfare.”
“Binabati ko ang lahat ng mga bago at muling nahalal na barangay at SK officials. Napakahalaga po ng inyong papel sa ating lipunan,” ayon kay Pangulong Marcos, ilang oras matapos na tuldukan ng Commission on Elections (Comelec)  ang barangay at SK polls, araw ng Lunes, Otubre 30.
“Isang panibagong pagkakakataon na naman po ito upang makapag serbisyo sa mga Pilipino at sa ating bayan nang buong puso at higit pa sa abot ng ating kakayahan. Maging tapat po tayo sa lahat ng oras. Lagi po nating unahin ang kapakanan ng sambayanan sapagkat sila po ang dahilan kung bakit nais nating magsilbi sa bayan,” dagdag na wika nito.
 “Sa ating pagkakaisa at kolektibong pagsisikap, tiyak na maisusulong natin ang ‘Bagong Pilipinas’ kung saan ang bawat barangay ay mapayapa, masaya, at maunlad kung saan nananaig ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at kasaganaan at kung saan ang bawat mamamayan ay taas-noo bilang mga Pilipino,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo.
Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na inaasahan na nila ang 70 hanggang 75%  voter turnout para sa barangay at SK elections, may bahagyang pagtaas mula sa  2018 elections na mayroon lamang ssa pagitan ng 70 hanggang 71%.
Tinuran pa ni Garcia na maayos na naisagawa ang barangay at SK polls at mapayapa sa pagkalahatan.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang  sambayanang filipino at ang bawat isa na lumabas at binigyang karapatan ang kanilang pagboto sa katatapos lamang na halalan sa bansa. (Daris Jose)
Other News
  • MAINE, hinahamon na kumanta ng 25 songs na inayos na ng EB Shy Singer

    MISS na ng mga fans at ilang araw nang hindi napapanood si Phenomenal Star Maine Mendoza sa daily noontime show na Eat Bulaga.     Tinatapos muna kasi ni Maine ang taping ng ilan pang episodes ng kanyang bagong show na #MaineGoals for Cignal TV and APT Entertainment na napapanood sa BuKo Channel, na sinusubukan […]

  • Ads July 15, 2023

  • Eala inihalintulad kay Sharapova

    TUNAY na rising star si Alex Eala na namamayagpag sa mundo ng tennis.     Sariwa pa ito sa matamis na kampeonato sa pres­tihiyosong US Open juniors championships girls’ singles upang tanghaling kauna-unahang Pilipino na nagkampeon sa isang Grand Slam event.     Dahil sa kanyang ta­gumpay, kaliwa’t kanan ang magagandang komento sa Pinay tennis […]