• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy na tuloy na sa Nov. 26 sa Aliw Theater: PIOLO, magho-host pa rin sa awards night ng ‘6th The EDDYS’

TULOY na tuloy na ang inaabangang ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon. Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang October 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis, magaganap na ang Gabi ng Parangal sa November 26, Linggo.

 

 

Ang pagbibigay parangal at pagkilala ng 6th The EDDYS sa mga natatanging pelikulang Pilipino nitong nagdaang taon ay magaganap sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City. Ito’y mula sa direksyon ng award-winning actor-director na si Eric Quizon. Magsisilbing host naman ng awards night ang premaydong aktor at producer na si Piolo Pascual. Ang sixth edition ng The EDDYS ay ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa A2Z Channel.

 

 

Ang limang pelikulang Pilipino na nagmarka noong nakaraang taon ang maglalaban-laban sa 6th EDDYS.
Ang mga nominado sa Best Film ay ang “Bakit ‘Di Mo Sabihin?” ng Firestarters at Viva Films; “Blue Room” mula sa Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service at Fusee; “Doll House” ng MavX Productions; “Family Matters” ng CineKo Productions; at “Nanahimik ang Gabi” mula sa Rein Entertainment. Nominado naman sa pagka-Best Director sina Marla Ancheta (Doll House); Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room); Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin?); Nuel Crisostomo Naval (Family Matters); at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi). Magpapatalbugan para sa Best Actress category sina Kim Chiu (Always); Max Eigenmann (12 Weeks); Janine Guttierez (Bakit ‘Di Mo Sabihin?); Nadine Lustre (Greed); Heaven Peralejo, (Nanahimik ang Gabi); at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).

 

 

Bakbakan naman sa pagka-Best Actor sina Elijah Canlas (Blue Room); Baron Geisler (Doll House); Noel Trinidad (Family Matters); Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi); at JC de Vera, (Bakit ‘Di Mo Sabihin?). Paglalabanan naman nina Mylene Dizon (Family Matters); Matet de Leon (An Inconvenient Love); Althea Ruedas (Doll House); Ruby Ruiz (Ginhawa); at Nikki Valdez (Family Matters) ang tropeo para sa kategoryang Best Supporting Actress. Para sa Best Supporting Actor, nominado sina Nonie Buencamino (Family Matters); Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi); Soliman Cruz (Blue Room); Sid Lucero (Reroute); at Dido dela Paz (Ginhawa). Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

 

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas. Ang pamamahagi ng parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at dekalibreng pelikula.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bilang ng mga nagugutom sa bansa tumaas – SWS

    TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom.     Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na mayroong estimated na 3.1 milyong pamilyang Filipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom sa nagdaang tatlong buwan.     Isinagawa ang surver mula Abril 19-27 kung saan mas mataas ito noong Disyembre 2021 na mayroong 11.8 […]

  • CINDY, kinikilig nang sobra na masabihang ‘prime actress’ na ng Viva at makasama ang magagaling na artista

    FASTEN your seat belt at I-ready na ang GPS dahil parating na ang Reroute sa Vivamax ngayong January 21, 2022.     Isa na namang sexy-suspense thriller ang masasaksihan sa iba’t-ibang panig ng mundo na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na […]

  • “Demonyo”, 1 pa huli sa Caloocan drug bust, P110K droga, nasabat

    SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Demonyo” at alyas “Jeng-Jeng”, kapwa […]