• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nagawang kontakin ang ilang Pinoy sa Gaza; access sa tubig, mahirap

MATAPOS maranasan na maputol ang komunikasyon, nagawa na ng gobyerno ng Pilipinas na kontakin ang ilang filipino sa  Gaza na nagpaabot ng kanilang kalagayan lalo na ang puntong nahihirapan silang magkaroon ng access sa tubig. 
“We were able to get in touch with the Filipinos starting at 4 a.m. yesterday (Sunday). We were able to contact 87 Filipinos, including 57 in Rafah,” ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.
“While their food supply is sufficient, access to water is becoming increasingly difficult,” dagdag na pahayag ni Santos sabay sabing “136 Filipinos in the besieged enclave, “49 Filipinos remain unreachable for now,” subalit patuloy naman silang kinokontak ng embahada.
Sa kabilang dako, sinabi ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA), na walang convoy ng humanitarian aid ang pumasok sa Gaza noong Oktubre 28 dahil sa blackout sa komunikasyon.
Sa ulat, tanghali ng Oktubre 27 (New York time),  in-adopt ng United Nations General Assembly ang non-binding resolution na nananawagan para sa humanitarian truce subalit noong mga nakaraang araw ay may nakitang walang tigil ang pagbomba sa coastal strip habang itinutulak ng Israel na lansagin ang mga Hamas.
Nag-abstain naman ang Pilipinas mula sa pagboto sa resolusyon dahil sa kakulangan ng pagbanggit o pagkondena sa  cross-border attack na inilunsad ng  Hamas laban sa Israel noong Oktubre 7 na nagresulta ng pagkamatay ng libo-libong katao kabilang na ang apat na Filipino. (Daris Jose)
Other News
  • AFP nagbigay pugay nang ‘snappiest salute’ sa ex-commander-in-chief kay PNoy

    Pinangunahan ni AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana ang pagbibigay ng military honor para sa namayapang dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.   Binigyan ng militar ng traditional gun salute ang namayapang dating pangulo sa lahat ng mga kampo ng militar sa buong bansa bilang pagpupugay sa dati nilang […]

  • PBA kumikilos na para masimulan ang season

    Desidido ang Philippine Basketball Association (PBA) management na masimulan na ang PBA Season 46 Philippine Cup sa third week ng Hulyo.     Kaya naman nakikipagtulungan na ito sa Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) para maplantsa ang lahat ng kakailanganin sa season opening.     Nakipagkita ulit si PBA commissioner Willie Marcial kay MMDA chairman […]

  • Año in, Carlos out bilang National Security Adviser

    OPISYAL nang nanumpa sa tungkulin si dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser.  Sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nanumpa sa kanyang tungkulin si Año sa Palasyo ng Malakanyang. Pinalitan ni  Año si Professor Clarita Carlos na nagdesisyon na ipagpatuloy ang kanyang hangarin na scholastic endeavors nang sumama sya sa  […]