• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, pinag-iisipan na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Israel

PINAG-IISIPAN ng  Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang  alert level sa ilang lugar sa Isarel na kasalukuyang nahaharap sa giyera sa Hamas. 
“Maaari sigurong gawin by level, by area. Doon Alert Level 3, doon Alert Level 2 after the discussion with the President,” ayon kay Undersecretary Eduardo De Vega.
Sa ngayon, nasa  Alert Level 2 ng DFA ang Israel.
Wala pa ring napauuwi sa Pilipinas subalit wala namang  deployment  ng mga bagong tanggap o hire na mga  manggagawang Filipino.
Ang Alert Level 3 ay nangangailangan na ng  voluntary repatriation.
Sa ulat, may mga pinoy workers na ang nagsasabi na nagsisimula nang maapektuhan ang kanilang mental health dahil sa tunog pa lamang ng sirena ay kinakabahan na sila at natatakot.
Samantala, may ilang OFWs naman sa Gaza ang napaulat na nagtungo na sa Rafah Border Crossing sa pag-asang payagan silang makapasok sa  Egypt.  (Daris Jose)
Other News
  • 2 ‘tulak’ tiklo sa P224K shabu sa Caloocan at Valenzuela

    TIMBOG ang dalawang umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.       Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong alas-12:08 ng tanghali nang maaresto ng mga operatiba ng […]

  • 45M Filipino fully vaccinated laban sa COVID-19- Nograles

    PUMALO na sa 45 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID- 19.   Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang bilang ng fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 ay umabot na sa 45,284,617 “as of latest count.”   Sa kabilang dako, ang bilang ng nakatanggap ng una sa dalawang […]

  • Dahil sa advance ticket sales para sa Oct. 13: ‘The Eras Tour’ ni TAYLOR SWIFT, kumita na ng higit sa $100 million worldwide

    HINDI pa man naipalalabas, kumita na in advanced ticket sales ang concert film ng ‘The Eras Tour’ ni Taylor Swift.      Ayon sa official distributor na AMC Theaters: “It has surpassed $100 million worldwide in advance ticket sales.”     Sa October 13 na ipapalabas sa 8,500 cinemas across 100 countries ang record-breaking stadium tour […]