• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis nanawagan ng ceasefire sa nangyayaring gyera sa Hamas-Israel

MULING  nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na wakasan na ang labanan ng Hamas-Israel, hinihimok ng Santo Papa na palayain na ang mga hostage at payagan na ang huminatarian aid para sa Gaza.
Ayon kay Pope Francis matapos ang traditional Angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Rome, patuloy niyang iniisip ang seryosong sitwasyon ngayon sa Palestine at sa Israel kung saan maraming tao na ang nawalan ng buhay.
Kung maalala, ang mga militanteng Hamas ay lumusob sa Israel mula sa Gaza Strip noong Oktubre 7, na ikinamatay ng hindi bababa sa 1,400 katao, at nang-hostage ng 240 katao, ayon sa mga awtoridad ng Israel, ito ang pinakanakamamatay na pag-atake sa kasaysayan ng naturang bansa.
Bilang tugon dito, walang humpay na binomba ng Israel ang Gaza Strip, na ikinamatay ng higit sa 9,770 katao, at karamihan dito ay mga kababaihan at mga bata, ayon sa Hamas-run health ministry.
Nauna nang nakiusap ang papa na itigil na ang labanan at payagan ang humanitarian aid sa Gaza Strip.
Other News
  • LTO gumawa na ng hakbang para malabanan na ang mga fixers

    TULUYAN nang gumawa ng hakbang ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga fixers sa iba’t ibang opisina nila sa bansa.     Naglabas ng kautusan si LTO chief Jay Art Tugade na nagbabawal sa mga fixers sa kanilang opisina sa buong bansa.     Ayon kay Tugade na ang layon ng kanilang opisina na […]

  • PBBM, bitbit ang $1.3-B investment pledges matapos ang mabungang US official visit

    BITBIT  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pag-uwi sa Pilipinas ang USD1.3 bilyong halaga ng investment pledges matapos ang five-day official visit sa Estados Unidos.  Sa kanyang post-visit report,  sinabi ng Pangulo na sa kanyang mga engagements kasama ang maraming  American business groups, sinabi niya na nagawa niyang akitin ang maraming negosyante na palawakin ang […]

  • PUGANTENG KOREANO, INARESTO NG NBI

    INARESTO  ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Tagiug City ang isang puganteng Koreano na wanted sa kanilang bansa.     Ayon sa NBI-International Operations Division, kinilala ang pugante na si Kim Girok na wanted sa human Trafficking actvities.     Hiniling ng  prosecutor ng Korean ang tulong ng NBI upang ito ay maaresto at […]