• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Cayetano tumanggi na hatian sa dalawang panukala ang CREATE bill

IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang corporate income tax reform bill dahil posible raw na pahinain nito ang Kongreso bilang isang institusyon.

 

Layunin kasi ng Corporate Recover and Tax Incetives for Enterprise (CREATE) bill na bawasan ang corporate income tax rate mula 30 percent ay gagawin itong 25 percent. Gayundin ang pag-rationlaize sa incentives na natatanggap ng mga kumpanya.

 

Ayon kay Drilon, kapag tinawag daw kasi na revenue measure ang naturang panukala ay magkakaroon ng kakayahan si Pangulong Rodrigo Duterte na i-line veto ito.

 

Pahihinain din aniya nito ang kapangyarihan ng Kongreso bilang co-equal branch ng gobyerno dahil lahat ng panukala na mayroong indikasyon ng “revenue aspect” ay maaaring mag- line items veto rito ang pangulo.

 

Sinubukan naman ng senador na pawiin ang pangamba ni Cayetano dahil patuloy pa rin nilang tatalakaying ang pagbabawas sa corpoate income tax rate at rationalization ng incentives ngunit bilang magkahiwalay na paksa.

 

“I think it can be forcefully argued that the rationalization of the fiscal incentive should not be a revenue measure and therefore the authority of the President on the line-item veto should not be existing,” wika ni Drilon.

 

Paliwanag ni Senate Ways and Means Committee Chairperson Pia Cayetano na ang rationalization ng incentives ay hindi maituturing na alien sa corporate income tax dahil ina-address nito ang tax leakages at pinapababa rin nito ang tax.

 

“In the early part of our interpellation, we emphasized the fact that this is foregone revenues. Thus, we need to rationalize because otherwise, these are tax revenues that are being exempted, not being collected, being given on a silver platter,” ani Cayetano.

 

Sa kabila nito bukas naman si Cayetano na patuloy na talakayin ang naturang paksa sa mga kapwa mambabatas.

Other News
  • Pagbabago sa presyuhan ng asukal sa World Market, posibleng maramdaman ng PH

    MAAARING maramdaman din ng mga Pilipino ang epekto ng pagtaas ng presyo ng asukal sa pandaigdigang merkado.     Batay kasi sa prediksyon ng ilang mga international think tank, maaaring tataas ang presyo ng asukal sa ibat ibang bahagi ng mundo, dahil sa El Nino phenomenon.     Katwiran ng mga firm, ang El Nino […]

  • Ads June 23, 2021

  • Miyembro ng “Compendio Drug Group”, kasabwat timbog sa buy bust sa Valenzuela

    DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Compendio Drug Group” na listed bilang high-value individual (HVI) ang nalambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Alex Estrella alyas “Tropa”, 44, (HVI), miyembro ng […]