• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Emotional nang makabili ng brand new aircon: JENNICA, na-guilty na tinitiis ng mga anak ang init sa bahay nila

NAGING maganda para sa Kapuso couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang nakaraang long weekend dahil nag-enjoy sila sa mga activities na matagal na nilang gustong gawin.

 

 

 

Kasama sa mga aktibidades na iyon ay ang nag-hiking sila sa Batad, Ifugao. Sa Instagram ay nag-post si Jeric ng photo nila ni Miss Universe PH 2000 habang nasa background nila ang Banaue Rice Terraces.

 

 

 

Hindi ito ang unang hike nila magkasama dahil noong nakaraang April ay nag-spend ng Holy Week ang dalawa sa Las Caidas Wellness Resort sa Cavinti Laguna.

 

 

 

Nag-hike nga raw sila ng 15 minutes para marating ang dinadayong waterfall sa natuwang probinsya.

 

 

 

Marami pa raw silang gustong puntahan kaya abang-abang ang kanilang followers sa social media.

 

 

 

***

 

 

 

NAGING emotional si Jennica Garcia noong makabili siya ng brand new air condition para sa kanyang studio unit kunsaan kasama niya ang dalawang anak.

 

 

 

Kuwento ni Jennica, may second-hand aircon daw sa unit, pero sirain na kaya mas madalas na electric fan ang gamit nilang mag-iina.

 

 

 

“Pinansin ko sa mga anak ko kung okay lang sila, nakakatulog naman sila. Nung dumating ‘yung bill namin sa kuryente, less than P1,000. The best. Kaya sabi ko tuloy-tuloy natin ito. Okay naman sila,” sey ni Jennica.

 

 

 

Pero nakaramdam daw ng guilt si Jennica dahil sa taping daw ay naka-aircon siya buong araw samantalang mga anak niya ay tinitiis ang init sa bahay nila.

 

 

 

“Naiiyak talaga ako gabi-gabi kasi naka-aircon ako sa taping tapos mga anak ko hindi,” sey ni Jennica na bumili agad ng brand new aircon para sa kanyang mga anak.

 

 

 

***

 

 

 

KINASUHAN for sexual assault ang British comedian and actor na si Russell Brand. May hinalay daw siyang babae habang sinu-shoot ang pelikulang Arthur sa New York noong 2010.

 

 

 

Na-file na ang kaso kay Brand sa New York State Supreme Court kunsaan ilang kababaihan din ang mag-file ng reklamo kay Brand for rape, sexual assault and psychological violence.

 

 

 

Ayon sa rep ni Brand, consensual daw ang nangyaring iyon between 2006 and 2013. Si Russell ay ex-husband ng singer na si Katy Perry.

 

 

 

Ang “Jane Doe” na nag-file ay sinama sa kaso ang Warner Bros. Pictures, Warner Bros. Discovery, MBST Entertainment, BenderSpink, and Langley Park Pictures.

 

 

 

Ayon sa complainant: “I was working on the set of the movie ‘Arthur’ when the lead actor Russell Brand sexually assaulted me. He exposed his penis to me on set and in full view of the cast and crew. He followed into a bathroom and assaulted me, as a member of the production crew guarded the door from outside.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Netizens, tuwang-tuwa sa ginawang pagpapakumbaba: SHARON, nakipag-ayos at reunited na kina TITO SEN, HELEN at mga pinsan

    NAGANAP na rin ang reconciliation sa pagitan nina Megastar Sharon Cuneta at ng mag-asawa na si Senator Tito Sotto at veteran actress na si Helen Gamboa pagkatapos na lumamlam na ang ‘election fever’.     Last June 11, nag-post si Sharon ng series of photos kasama ang kanyang Tito Sen at Tita Helen, at mga […]

  • 3 sa 4 na close contact ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12, negatibo; 1 nakaalis na ng bansa

    NATUKOY na apat lamang ang close contact sa Quezon City ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.     Nilinaw ni Dr. Rolly Cruz, head of the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang reports hinggil sa 9 na residente na nagkaroon umano ng contact sa 52 anyos na dayuhang mula sa Finland na nakumpirmang […]

  • Nangakong hindi na ito mauulit… Sen. ROBIN, nag-sorry na sa Senado sa pagpapa-IV drip ni MARIEL

    PINUTAKTI at kaliwa’t kanan ang natanggap na batikos nang ginawang pagpa-IV drip ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si dating host at aktres Mariel Padilla.     Paliwanag pa agad ni Mariel na hindi raw naman niya sinadya ang naturang pangyayari.     Nataon lang daw kasi na doon siya inabot sa opis ng […]