• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SC hinimok ideklarang unconstitutional P125-M transfer sa OVP confidential funds

NAGHAIN  ng petisyon sa Korte Suprema ang isang grupo ng mga abogado, atbp. para ideklarang labag sa Saligang Batas ang paglipat ng P125 milyong confidential funds para sa Office of the Vice President.

 

 

Sa 49-pahinang petisyong isinumite ngayong Martes, inilalaban ngayon ng naturang grupo na maibalik ng OVP ang kontrobersyal na halaga sa Treasury.

 

 

“WHEREFORE, premises considered, it is most respectfully prayed that this Honorable Court declare the transfer of the amount of Php 125 million to the Office of the Vice PResident as UNCONSTITUTIONAL and that the [OVP] be ordered to return the money to the government’s treasury,” sabi ng petisyon.

 

 

“Other reliefs that are just and equitable under the premises are likewise prayed for.”

 

 

Kabilang sa mga petitioner ang dating tagapagsalita ni Bise Presidente Leni Robredo na si Barry Gutierrez, dating commissioner ng Comelec na si Augusto Lagman, 1987 Constitution framer na si Christian Monsod, dating Department of Finance Undersecretary Cielo Magno atbp.

 

 

Matatandaang sinabi na noon ni Albay Rep. Edcel Lagman na labag sa konstitusyon ang paglilipat ng pondo mula sa Office of the President patungo sa OVP batay sa Section 25(5) of Article 6 ng Saligang Batas.

 

 

Aniya, ang transfer para sa augmentation ay kinakailangang manggaling sa savings ng opisinang tinutukoy. Lumalabas na P50 milyon lang ang savings ng OP ngunit P125 milyon ang nakarating sa OVP.

 

 

Napupunta ang naturang P125 milyong confidential funds, na hindi pa nadedetalye kung saan ginastos, lalo na’t kinumpirma ng Commission on Audit na naubos ito sa loob ng 11 araw noong 2022. Gayunpaman, umabot naman daw ito ng 19 araw, sabi ng OVP.

 

 

Kabilang sa mga respondents ng reklamo sina Bise Presidente Sara Duterte, Executive Secretary Lucas Bersamin, at Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Oktubre lang nang magdesisyon ang isang komite sa Kamara na gawing “zero” ang confidential funds ng OVP, Department of Education, atbp. sangay ng gobyerno para sa 2024 at sa halip ilipat na lang ito sa mga nagtitiyak ng seguridad sa West Philippine Sea. (Daris Jose)

Other News
  • Ex-Pope Benedict XVI itinangging pinabayaan ang mga child-abuse case na kinasangkutan ng mga pari nito sa Germany

    WALA umanong ginawang hakbang si dating Pope Benedict XVI sa apat na kaso ng child abuse na kinasangkutang ng pari noong ito ay nakatalaga bilang arsobispo ng Munich, Germany.     Sa lumabas na ulat ng German law firm na Westpfahl Spilker Wastl na commissioned ng Simbahang Katolika Dalawa sa nasabing kaso ay naganap noong […]

  • UNLIKELY FRIENDSHIPS, UNEXPECTED FATES IN “A MAN CALLED OTTO”

    FROM Marc Forster, director of Oscar-nominated films (Finding Neverland, The Kite Runner) and blockbuster movies (Quantum of Solace, World War Z) comes the inspiring tale, A Man Called Otto starring Tom Hanks.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/tCsSuaVsMIw]     Based on the # 1 New York Times bestseller A Man Called Ove, A Man Called Otto tells the […]

  • ‘My Working Team’ ipinakilala ni Tolentino para sa POC elections

    PINATINGKAD ng tatlong gold medals sa magkasunod na Olympic Games at apat na ginto sa Asian Games tampok ang men’s basketball title ang pamamahala ni Abraham “Bambol” Tolentino sa Philippine Olympic Committee (POC).     Idagdag pa sa mata­gumpay na pagmamando ni Tolentino sa POC ang nakamit na overall championship sa pamamahala ng bansa sa […]