• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guadiz, posible pa ring masibak mula sa LTFRB

POSIBLE pa rin umanong masibak sa puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman ­Teofilo Guadiz III, kung mapapatunayang guilty siya sa mga alegasyon ng korapsyon.

 

 

Ito ang naging tugon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista matapos na matanong kung maaari pa bang muling ma-dismiss si Guadiz mula sa LTFRB, sakaling mapatunayan sa isinasagawang imbestigasyon na siya ay sangkot sa korapsyon.

 

 

Ayon kay Bautista, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na bilisan ang isinasagawang imbestigasyon sa isyu dahil ang magi­ging resulta nito ang gagamitin nilang basehan sa paglalabas ng pinal na desisyon.

 

 

“Siguro ganun (madi-dismiss) mangyayari. Kaya nga hihintayin namin ‘yung result ng investigation ng NBI,” anang kalihim, sa naturang panayam. “So, tatapusin din naman ‘yung imbestigasyon na ‘yan. Kung ano man ‘yung magiging resulta niyan, ‘yun ang magi­ging basis natin dun sa final decision.”

 

 

Matatandaang noong nakaraang buwan ay lumutang ang dating executive assistant ni Guadiz, na si Jeff Tumbado, at inakusahan ang LTFRB chief, gayundin si Bautista, na sangkot sa korapsiyon sa ahensiya.

 

 

Nagresulta ito sa agarang pagsibak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Guadiz.

 

 

Malaunan ay binawi rin naman ni Tumbado ang kanyang mga alegasyon at humingi pa ng paumanhin sa opisyal.

 

 

Nito namang Nobyembre 3, naglabas si Bautista ng isang special order upang maibalik sa puwesto si Guadiz, at naging epektibo ito nitong Lunes, Nobyembre 6. (Daris Jose)

Other News
  • Senado, Kamara nag-convene na sa P5.768 trillion national budget

    SINIMULAN na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa P5.768 trillion na 2024 national budget para pagkasunduin ang kanya-kanyang bersyon ng Senado at Kamara.     Pinayuhan ni Se­nate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, head ng Senate contingent sa bicam, ang mga mambabatas na gampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng […]

  • Habang umiiwas na siya na pag-usapan: KIM, naiinis na sa patuloy na pagsasalita ni XIAN

    TATLONG nominasyon ang nakuha ng premyadong aktres Gladys Reyes sa PMPC 40th Star Awards for Movies. Nominado si Gladys bilang best aktres, best supporting actress at PMPC Darling of the press. Matandaang tinanghal na Best Actress si Gladys  sa nakaraaang Metro Manila Summer Film Festival mula sa pelikulang “Apag” na kung saan sa naturang pelikula […]

  • PAGLALAGAY NG GREEN LANE PARA SA MAG BAKUNADONG DAYUHAN, IPINANUKALA

    SUPORTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na payagan ang mga fully vaccinated na mga dayuhan na pumasok sa bansa upang muling pasiglahin ang industriya ng turismo at buksan ang hangganan ng bansa.     Sinabi ni  BI Commissioner Jame Morente na sinusuportahan nila ang paglalagay ng green lane para sa mga dayuhan na […]