• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, itutuloy ang naudlot na railway projects sa tulong ng South Korea, Japan at India

PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang dating mga railway projects na suportado ng China.

 

 

Ito ay sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) mula sa South Korea, Japan, India.

 

 

Gayundin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor.

 

 

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang mga kasunduan sa pagpopondo para sa tatlong proyektong suportado ng China ay hindi natapos sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

 

Aniya, ang mga proyektong kabilang dito ay ang Mindanao Railway Project (MRP), ang Philippine National Railways (PNR) South Long Haul, at ang Subic-Clark Railway.

 

 

Bukod sa mga official development assistance, pinag-aaralan din ang mga kasosyo mula sa pribadong sektor at maaaring magsilbi bilang mga kontratista na katulad ng kasalukuyang North-South Commuter Railway (NSCR) at Metro Manila Subway.

Other News
  • SIM Registration Act magiging epektibo na sa Disyembre 27

    MAGIGING epektibo na sa Disyembre 27 ang SIM Registration Act.     Kasunod ito ng pagpapalabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ng implementing rules para sa nasabing usapin.     Nakasaad sa nasabing panuntunan na nirerequire ang lahat ng mga mobile subscriber na i-enroll ang kanilang SIM cards sa loob ng 180 araw o anim […]

  • Higit 4M katao apektado ni Ulysses — NDRRMC

    Umabot na sa apat na milyon ang residenteng naapektuhan ng bagyong Ulysses, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa report ng NDRRMC, pumalo ang kabuuang bilang sa 4,079,739 katao habang 995,476 pamilya ang apektado sa 6,644 barangay sa buong bansa. Karamihan dito ay mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, […]

  • Ads August 28, 2021