• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Implementasyon ng 0.75 meter na distancing suspendido

Pansamantalang sinuspinde ang implementasyon ng 0.75 meter na distancing sa mga pampublikong transportasyon at ibabalik ito sa sa one meter.

 

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos itong ianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Nakatakda namang magdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte  sa usaping ito sa susunod na linggo.

 

Sa ilalim ng bagong protocol na ipinalabas ng Department of Transportation noong nakaraang linggo, ang kasalukuyang one-meter distance ay magiging  0.75 meters simula  Setyembre 14.

 

Maaari itong mabawasan ng hanggang  0.5 meters matapos ang dalawang linggo at  0.3 meters matapos ang susunod pang dalawang linggo.

 

Sa ulat, isang  grupo ng mga healthcare workers ang umapela sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) para ibasura ang panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan ang isang metrong physical distancing sa mga pampasaherong sasakyan.

 

Nag-aalala ang grupong Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na dahil sa pagbabago sa panuntunan sa physical distancing ay lalong tataas ang mga dadapuan ng virus at tuluyan nang hindi makakarekober ang bansa.

 

Sinabi ni Dr. Carmela Kasala, opisyal ng HPAAC, na sa pagpapaluwag ng physical distancing, maaaring isipin din ng publiko na pawala na ang virus na puwedeng mapunta sa kawalang disiplina.

 

Iginiit niya na ang droplets buhat sa pagsasalita, paghatsing at pag-ubo lalo na kung hindi mapigilan ay maaa­ring kumalat sa hangin at maipasa ng mas mabilis lalo na kung dikit-dikit.

 

Sa katwiran ng DOTr na mahigpit naman ang tagubilin na palagiang magsuot ang mga pasahero ng face mask at face shield, sinabi ng grupo na hindi tiyak ang proteksyong maibibigay ng mga ito at magiging mabisa lamang kung may angkop na physical distancing. (Daris Jose)

Other News
  • Dalaga na nga ang kontrabida sa ‘Prima Donnas’: ELIJAH, nagpasilip na kanyang pre-debut photoshoot sa kinunan sa Tagaytay

    DALAGA na at hindi na bata si Elijah Alejo na mag-turn 18 na sa susunod na buwan.     Ang former child actress na nakilala bilang ang kontrabidang si Brianna sa ‘Prima Donnas’ ay papasukin na ang pagiging mature lady at nagpasilip ito ng kanyang pre-debut photoshoot na kinunan sa Chateau De Tagaytay.     […]

  • MARK, nararanasan nang magpuyat dahil sa pag-aalaga kay BABY CORKY; excited na sa paglaki at makasamang magsayaw

    NGAYON lang daw nararanasan ni Mark Herras na mapuyat dahil sa pag-alaga ng anak nila ni Nicole Donesa na si Baby Corky.     Night shift nga raw ang hawak ni Mark sa pag-alaga sa baby niya. Buong araw daw kasi na si Nicole ang tumitingin kay Baby Corky, kaya pagdating ng gabi hanggang madaling […]

  • Marami pang kaabang-abang na eksena sa ‘Bolera’: KYLIE, nadala at pinaghusay pa ang pag-arte dahil kay RAYVER

    LAST two weeks na lamang mapapanood ang top-rating primetime series na gabi-gabing inaabangan, ang first sports serye sa GMA Network, ang “Bolera.”      Sa recent interview kay Kylie Padilla, nang tanggapin daw niya ang offer na maging isang billiard player sa serye, itinuring na niyang ito ang perfect comeback show para sa kanya, after magpahinga […]