• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa Kongreso

PANUKALANG pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa kongreso upang mabawasan angpagkakasayang sa kanin at maisulong ang mas malusog na pagkain.

 

 

      Bukod dito, umapela rin si Iloilo Rep. Janette Garin sa mga may-ari ng restaurants na mas piliin ang pagbebenta o paghahain ng sweet potato fries kaysa regular potato fries.

 

 

Paliwanag ng mambabatas, hindi lamang ito nagbibigay ng kakaibang lasa kundi masustansiya din ito.

 

 

Ayon kay Garin, ang sweet potatoes o kamote ay mayaman sa Vitamin A at fiber, na tumutulong sa kalusugan ng mata at kalusugan.

 

 

“Making this simple switch aligns with the growing emphasis on healthier food choices in the dining industry,” pahayag ng kongresista.

 

 

Idinagdag nito na makakatulong din ito sa lokal na magsasaka. (Ara Romero)

Other News
  • Marcial, 3 pang Olympic-bound magsasanay sa Amerika

    Hindi lamang si middleweight Eumir Felix Marcial ang ipapadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa isang training camp sa Colorado Springs, USA.     Magsasanay din sa na­sabing kampo ng US boxing team sina Olympic-bound flyweight Irish Magno, fea­therweight Nesthy Petecio at light flyweight Carlo Paalam, ayon kay ABAP president Ricky […]

  • ‘Di nakaligtas sa intimate love scenes sa ‘Habangbuhay’… ELISSE, aminadong selosa kaya ia-approve muna ang tatanggapin ni MCCOY

    MATAPOS ang halos tatlong taon, muling magsasama ang real life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa isang pelikulang siguradong pupukaw ng damdamin, ang Habangbuhay.     Handog ito ng Vivamax at available for streaming sa April 22,2022.     Gumaganap si Elisse bilang Bea. Dahil sa sakit na Common Variable Immune […]

  • Kailangang i-confine para sa medical assessment: KRIS, humihingi ng matinding panalangin para sa kanya at kay BIMBY

    SA Instagram official fanpage account na @KrisAquinoWorld, nag-post ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa in-upload na litrato nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste, kasama rin sina Joshua at Bimby, nang dalawin sila sa Amerika.     Mukhang hindi na-inform si Kris na ia-upload ito sa social media, pero na-appreciate […]