• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCH NASUNGKIT ANG HOSPITAL STAR AWARD

MULING kinilala ng Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau, ang Navotas City Hospital (NCH) bilang isa sa Top 15 Level 1 na ospital sa bansa.

 

 

Ang pagkilalang ito ay ibinigay sa NCH para sa pagtataguyod ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan habang patuloy na naghahanap ng pagbabago sa paghahatid ng pangangalaga sa pasyente.

 

 

Si Dr. Spica Acoba, NCH Medical Director, at Dr. Roan Salafranca, Chief of Clinics, ay tumanggap ng parangal sa seremonya ng 2023 DOH Hospital Star Awards na ginanap sa Iloilo City.

 

 

“We will continue to draw inspiration from this milestone to meet the challenges and further provide excellent medical and health facilities to our constituents,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Ngayong taon, pinasinayaan ng Navotas ang mga karagdagang pasilidad sa kalusugan, kabilang ang isang bagong laboratoryo sa Navotas City Hospital at isang molecular laboratory sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan. Naghahanda na rin ito para sa pagtatayo ng isang super health center sa Brgy. NBBS Kaunlaran.

 

 

“We are grateful to our hospital and healthcare workers for their unwavering commitment and compassion in caring for the health and wellness of Navoteños,” dagdag ni Taingco.

 

 

Ang mga nagwagi sa DOH Hospital Star Awards ay pinili sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng kanilang mga programa, aktibidad, inisyatiba, at inobasyon sa mga sumusunod na pamantayan: kaligtasan at pagkontrol sa impeksyon, pagbibigay ng serbisyo, kasiyahan ng customer at empleyado, mga aktibidad na nakabatay sa komunidad, pagpapabuti ng kalidad, at kasama ang pagharap COVID-19 pandemic. (Richard Mesa)

Other News
  • No-Contact Apprehension Policy (NCAP), imbestigahan

    NAGHAIN ng resolusyon ang isang mambabatas para paimbestigahan ang kontrobersiyal na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinatutupad sa may limang siyudad sa Metro Manila.     Sa House Resolution No. 237, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na importanteng masiguro na nababantayan ang karapatan at kapakanan ng mga motorista laban sa posibleng pang-aabuso sa […]

  • Ads September 4, 2024

  • SHARON, na-depress at parang namatayan nang mawala sa cast ng Hollywood film; ‘fake news’ nilinaw nila ni Sen. KIKO

    SA Instagram Live si Megastar Sharon Cuneta nitong Mayo 28, Biyernes ng hapon.     Nilinaw ng Megastar kasama ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan ang mga balitang naglabasan dahil sa pag-alis niya papuntang Los Angeles, California.     Sabi ni Sharon, “Tsismis no. 1, kaya raw ako umalis kasi daw sinasaktan ako ni Kiko.     “Sa awa naman ng Diyos, mula ng pagkabata […]