• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Lima, posibleng mapawalang-sala – Remulla

NANINIWALA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mapapawalang-sala na si dating senador Leila de Lima sa nalalabi niyang kaso ukol sa iligal na droga.

 

 

Ito ay makaraang makalaya na si De Lima nang payagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 na makapaghain ng piyansa.

 

 

Ayon kay Remulla, napakatibay na pahayag ito at lalo na ang pagpayag sa piyansa sa kaso ni De Lima na isang “non-bailable case”. Hindi umano ito basta pinagbibigyan ng korte kung hindi kumbinsido ang huwes.

 

 

Ngunit nilinaw ni Remulla na hindi siya kailanman nakialam kung paano hahawakan ng prosekusyon ang kaso laban kay De Lima. Ito ay dahil sa naumpisahan na ito ng mga prosecutor bago pa man siya maitalaga sa puwesto bilang kalihim ng DOJ.

 

 

Isa na lamang sa tatlong kaso sa iligal na droga laban kay De Lima ang kasalukuyang nililitis makaraang maabswelto na siya sa naunang dalawa. (Daris Jose)

Other News
  • QC nagkaloob ng P100M para sa EDSA busway ramps

    Ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay nagkaloob ng P100 million para sa konstruksyon ng elevated ramps sa kahabaan ng EDSA.   Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos matapos ang ginawang inspection sa Balintawak market noong makalawang araw.   Ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public […]

  • 38K doses ng AstraZeneca vaccines mula COVAX, dumating na sa Pilipinas

    Dumating na sa Pilipinas ang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca nitong Linggo.     Alas-6:44 nitong gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang KLM commercial flight na may dala sa ikalawang batch ng bakuna mula inisyatibo ng World Health Organization (WHO).     […]

  • 3 TIMBOG SA P1 MILYON SHABU SA NAVOTAS

    MAHIGIT P1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.       Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Noraima Esmail, 32, Ma. Clarise Certeza, […]