• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, sinaksihan ang paglagda sa Cooperation Agreement para makapagtayo ng “first cancer hospital” sa Pinas

SINIMULAN na ng AC Health and Varian Medical Systems ang groundbreaking partnership  na naglalayong  i-improve o ayusin ang access sa de-kalidad na  cancer care sa Pilipinas.

 

 

Ang pagpirma sa cooperation agreement ay sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr.  sa Ritz-Carlton Hotel sa sidelines ng  kanyang naging partisipasyon sa  2023  Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa San Francisco, California.

 

 

“The initiative is a vital stride in the fight against cancer, and it reflects the Philippines’ growing potential as a leading healthcare destination in Asia,” ang pahayag ng Pangulo sa isinagawang paglagda sa kasunduan.

 

 

Dahil dito, ibabahagi ng mga partido ang kanilang  “expertise” sa pagtatatag at pagpapatakbo ng  “first dedicated specialty oncology hospital” ng Pilipinas para matiyak ang tamang paraan  ng paghahatid ng serbisyo sa mga pasyente at gawin ang cancer care  na mas accessible sa mga Filipino.

 

 

Sa pamamagitan ng partnership, itatatag ng AC Health ang Healthway Cancer Care Hospital sa Pilipinas, magsisilbing  network ng oncology clinics sa buong Kalakhang Maynila, naglalayong bigyan ang  cancer patients ng access sa komprehensibong cancer care na gumagamit ng  state-of-the-art at multi-modalitycancer care technologies ng Varian.

 

 

Kabilang sa mga signatories ay sina Jaime Augusto Zobel de Ayala of the Ayala Corp., AC Health CEO at President Paolo Borromeo, Varian Philippines President and Managing Director Heinz-Michael Horst Schmermer, at Varian’s Advanced Oncology Solutions Vice President Chuck Lindley.

 

 

Ngayong 2023, ang cancer ay “third leading cause of death” sa Pilipinas, na may  141,021 bagong  cancer cases at 86,337 cancer deaths  kada taon.

 

 

Upang mapalakas ang cancer control efforts at bawasan ang paghihirap dahil sa sakit, “the Philippines enacted Republic Act No. 11215, o  National Integrated Cancer Control Act in February 2019.”

 

 

“As of November 2023”,  nakatakdang  magtayo ang Department of Health (DOH)  ng 16 Cancer Care Specialty Centers sa buong bansa. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM sa tatlong Duterte na planong tumakbo sa pagka- senador sa Eleksyon 2025: It’s a free country

    ”IT’S a free country.”     Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang kuhanan ng reaksyon kaugnay sa plano nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dalawa nitong mga anak na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na […]

  • Watch Timothée Chalamet as Paul Atreides become a true Fremen as he attempts to ride a sandworm in this “Dune: Part Two” sneak peek

    The scale becomes even more epic as Denis Villeneuve’s Dune: Part Two picks up where 2021’s Dune left off. New characters sweep into the vast world, as the adventure sets off with even more stunning visuals and thrilling action sequences.       Dune: Part Two continues the story of Paul Atreides (Timothée Chalamet), now […]

  • Ads February 16, 2023