• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabalik ng NCAP, inihihirit ng MMDA

NANANAWAGAN  ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na muling ­ipatupad ang ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).

 

 

Ayon kay MMDA ac­ting chairman Don Artes, lumala ang maraming mga paglabag partikular ang ilegal na paggamit ng mga motorista sa EDSA bus lane simula nang masuspinde ang NCAP.

 

 

Umaasa rin si Artes na kaagad na maaaksiyunan ang kanilang kahilingan at binigyang-diin na malaking tulong ang teknolohiya upang higit nilang mabantayan ang mga lansangan sa Kamaynilaan.

 

 

Aniya pa, hindi nila kakayaning 24/7 na bantayan ng manu-mano ang mga lansangan sa kanilang nasasakupan.

 

 

“Sana maaksyunan na po dahil kailangan talaga namin ‘yung tulong ng technology para mabantayan ang lansangan ng Metro Manila. Hindi namin po kayang bantayan ng 24/7 na manu-mano ang lahat ng kalsada sa aming jurisdiction,” panawagan pa ni Artes, sa isang media interview.

Other News
  • Ads January 4, 2020

  • 25K trabaho sa mga Pinoy sa Japan binuksan

    NASA 25,000 job opportunities ang iniaalok para sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa Japan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).         Ang special job fair ay ay gaganapin sa Agosto 1, 2024 sa Robinsons Galleria Ortigas sa Quezon City alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon na inorganisa ng […]

  • Sa bonggang back-to-back episodes ng #SuperAte: Sen. IMEE, ipasisilip ang mga natunghayan sa pagbisita sa French capital

    DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang mga vlog followers sa isang Parisian adventure ngayong weekend sa super back-to-back episodes na kung saan ipasisilip niya ang katatapos lang na pagbisita niya sa French capital.  Una, binisita ni Sen. Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa mga greatest thinkers at artists […]