• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QUARANTINE FACILITY SA MGA BARANGAY SA KYUSI NADAGDAGAN

NADAGDAGAN pa ng walo pang quarantine facility sa mga barangay sa Quezon City.

 

Ayon sa LGU, layon nitong mas makapaghatid ng serbisyo sa mga residente sa bawat barangay sa naturang lungsod. Layon din nito na ang mga walang sapat na lugar sa kanilang mga bahay na tinamaan ng COVID-19  ay doon na magpagaling.

 

Nitong nagdaang linggo, isa-isang binisita ni Mayor Joy Belmonte ang mga bagong bukas na pasilidad.

 

Kabilang sa mga may bagong quarantine facility ngayon  ay ang Barangay Holy Spirit, Barangay Masagana, Barangay Milagrosa, Barangay Dioquino Zobel, Barangay Bagumbuhay, Barangay Duyan Duyan, Barangay Silangan at Barangay Bayanihan. Samantala sa datos ng Kyuis ay nasa 3,089 ang active cases habang 10,635 na ang naka-recover. Habang nasa 10,635 na ang namatay dulot ng COVID-19. Sa kabuuan ay 14, 183 na ang bilang ng natamaan ng naturang virus sa buong Q.C. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • July 8, 2024 Araw ng pagtatapos

    PERSONAL na dumalo si Mayor John Rey Tiangco sa araw ng pagtatapos ng mahigit 347 skilled workers sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute, bilang ng pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. Sa kanyang mensahe, binati at ibinahagi ni Mayor Tiangco sa mga nagsipagtapos ang mga sikreto ng tagumpay. (Richard Mesa)

  • ANDRES, kinatuwaan ng netizens dahil mas guwapo kay AGA

    IBINAHAGI ni Charlene Gonzalez – Muhlach ang latest update sa kanilang twins ni Aga Muhlach na sina Andres at Atasha.   Kasama ang mga stolen photos ni Andres na hinangaan ng netizens dahil totoo namang nakapaka-guwapo nito, na pwedeng maging next matinee idol kung papasukin niya ang showbiz industry.   Caption ni Charlene, “flooding my […]

  • P10.4 bilyon nawawalang ayuda itinanggi ng DSWD

    Tahasang itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang akusasyon ni Senador Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyong pondo buhat sa ‘social amelioration program (SAP)’.     Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na handa ang ahensya na humarap sa anumang imbestigasyon ukol sa SAP fund.     “Nais din natin bigyan […]