Nakaabot naman sa Top 10 si Michelle: SHEYNNIS PALACIOS, kauna-unahang Miss Universe na mula sa Nicaragua
- Published on November 20, 2023
- by @peoplesbalita
MISS Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon na manalo ng beauty queen from Nicaragua na si Sheynnis Palacios.
Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, El Salvador.
Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng preliminary hanggang sa final coronation. Consistent crowd favorite at naging effortless ang pagpasok ng Nicaraguan beauty sa Top 20, Top 10, Top 5 at Top 3 hanggang koronahan na siya ni outgoing queen R’bonney Gabriel of the United States of America.
Ang former Miss Supranational and Thai candidate Anntonia Porsild was named 1st runner-up samantalang ang Australian beauty na si Moraya Wilson ang 2nd runner-up.
Completing the Top 5 were Karla Guilfu Acevedo of Puerto Rico and Camila Avella of Colombia, na kauna-unahang contestant ng Miss Universe na isang mother of two children.
Ang ating pambato nating si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ay nagpakita ng strong performance mula sa preliminary judging hanggang sa makapasok siya sa Top 20 at Top 10.
Nakabilang naman si Dee sa tatlong Gold winners ng Voice for Change advocacy project ng Miss Universe. Kasama niya rito sina Karla Guilfu Acevedo of Puerto Rico and Ana Barbara da Silva Coimbra of Angola.
Tumanggap sila ng tig-$12,000 para sa respective outreach projects nila.
Ang ibang kandidata na bumuo sa Top 10 ay sina Camila Esribens (Peru), Isabella Garcia-Manzo (El Salvador), Diana Silva (Venezuela) and Athenea Perez (Spain).
Ang ibang candidates ng Top 20 ay sina Marina Machete (Portugal), Erica Robin (Pakistan), Shweta Sharda (India), Jameela Uiras (Namibia), Celeste Viel (Chile), Jordanne Levy (Jamaica), Noelia Voigt (USA), Issie Princess (Cameroon), Jane Dipika Garrett (Nepal) and Bryoni Govender (South Africa).
Si Portugal ang unang transwoman na makapasok sa Top 20. Si Nepal ang una namang plus-size candidate at first time sumali ng bansang Pakistan sa Miss Universe.
Ang naging members ng selection committee this year ay sina Miss Universe 1977 Janelle “Penny” Commissiong, Carson Kressley, Avani Gregg, supermodel Halima Aden, Dr. Connie Mariano, Mario Bautista, Sweta Patel, actor Giselle Blondet, Denise White and Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.
Nagpasalamat naman ang president ng El Salvador na si Nayib Bukele dahil sa mainit na pagtangkilik ng Miss Universe sa kanilang bansa for the second time. Unang ginanap ang Miss Universe sa El Salvador ay noong 1977.
Mga naging hosts ng pageant ay sina Maria Menounos, Miss Universe 2012 Olivia Culpo, Jeannie Mai, with backstage correspondents Zuri Hall and Miss Universe 2018 Catriona Gray. Guest performer ay ang EGOT (Emmy, Grammy, Oscar, Tony) awardee na si John Legend.
Ang Mexico naman ang napiling maging host country para 73rd Miss Universe sa susunod na taon.
(RUEL J. MENDOZA)
-
2 babaeng tulak tiklo sa buy bust sa Caloocan, P300K shabu, nasamsam
KALABOSO ang dalawang babae na umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director […]
-
CPP-NPA-NDF, nasa likod ng Tinang incident
ITINUTURONG “mastermind” ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa nangyaring gulo sa pinag-aawayang lupain sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Hunyo 9. Ito ang isiniwalat ng mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa isinagawang special virtual press briefing ng National Task Force to End Local […]
-
LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntaSng mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET). Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay […]