• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Myanmar, mahirap at mabigat na problema para sa Asean-PBBM

ITINUTURING ng  Southeast Asian bloc ASEAN na ang labanan sa military-ruled Myanmar ang pinakamabigat at mahirap na isyu para tugunan.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na may maliit na progreso tungo sa resolusyon at tumitinding labanan.

 

 

Sa pagsasalita ng Pangulo sa isang forum sa Hawaii streamed live sa Pilipinas, winika nito na mayroong commitment mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), subalit ang usapin ay kumplikado kabilang na ang humanitarian impact.

 

 

Sinabi ng United Nations na mahigit sa milyong katao ang na-displaved  mula nang ilunsad ng military ang kudeta sa Myanmar noong 2021.

 

 

“There is a great deal of impetus for ASEAN to solve this problem. But it is a very, very difficult problem, ayon sa Chief Executive.

 

 

Samantala, ang PIlipinas naman ang uupong chairman ng ASEAN sa 2026 matapos  palitan nito ang Myanmar para sa nasabing taon. (Daris Jose)

Other News
  • DOLE: Libreng bike sa ‘economic frontliners’ na magpapabakuna

    Magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng bisikleta sa mga ‘economic frontliners’ o kabilang sa A4 category na makakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 umpisa sa buwan ng Hulyo.     Inisyal na maglalabas ng 2,000 bisikleta ang DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa ilalim ng programang “BakSikleta”. […]

  • Dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Royal Blood’: RHIAN, nagwaging Best Actress sa ’12th KAKAMMPI OFW Gawad Parangal’

    NAGBUNGA ang husay ni Rhian Ramos sa ‘Royal Blood’ kung saan noong umeere ito sa Kapuso Network ay isa siya sa napupuri nang husto ng mga netizens sa kanyang pagganap bilang si Margaret Royales.     Nito lamang Sabado, December 16 ay ginawaran si Rhian ng parangal bilang Best Actress sa 12th KAKAMMPI OFW Gawad […]

  • Bong Go, kinumpirma ang PRRD-BBM meeting…

    KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go, ang nangyaring miting o pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos.     Sa isang panayam matapos na bisitahin ni Go ang Malasakit Center at turnover ceremony ng financial assistance mula sa Office of the President sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon […]