• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA BAGONG BARANGAY OPISYAL SA NAVOTAS, NANUMPA

NANUMPA ang mga bagong halal na pinuno ng 18 barangays sa Navotas City sa harap ni Mayor John Rey Tiangco, noong Lunes, November 20, 2023.

 

 

Sa kanyang talumpati, binati ni Mayor Tiangco ang mga opisyal habang hinahamon silang mag-iwan ng legacy sa loob ng kanilang dalawang taong termino.

 

 

“Serving others is a privilege. As government officials, we have a great responsibility to help ensure a good life for our fellow Navoteños. Use barangay funds honestly and efficiently, treat your constituents as part of your family, and always seek to expand your knowledge to improve the quality of your service and leadership,” aniya.

 

 

“We may not be able to solve all the problems or issues we encounter, but we should always strive to create a lasting positive impact to our community,” dagdag niya.

 

 

Hinikayat din ni Mayor Tiangco ang mga opisyal ng barangay na tulungan ang kanilang mga nasasakupan na magkaroon ng kamalayan at paggamit ng kanilang mga sarili sa mga programa ng pamahalaang lungsod.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Toby Tiangco ang mga opisyal na, bilang mga lingkod-bayan, dapat nilang tuparin ang kanilang mga pangako at manguna sa pamamagitan ng halimbawa.

 

 

“We must uphold the oath we took as public servants. Let us set a good example to our constituents by being the first to follow rules and ordinances,” pahayag ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • Tourism at food business workers, sunod bakunahan

    Nananawagan ang isang advocacy group na kung maaari pagkatapos ng mga frontliners ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business.     Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, kung gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, tu­rismo ang pinakamabilis na paraan.     “Isang taon nakakulong sa […]

  • Raymart, nag-post sa IG stories ng kanyang pagbati: JODI, waging Best Actress at kinabog ang mga kalaban sa ‘Asian Academy Awards’

    ANG Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang nag-iisang nakapag-uwi ng tropeo para sa Pilipinas sa Asian Academy Awards 2022 na ginanap sa Singapore noong December 8.     Si Jodi nga ang itinanghal na Best Actress in a Leading Role at kinabog niya ang mga kalaban na mahuhusy na aktres mula India, Singapore, […]

  • Alfred Vargas to Star with Philippine Cinema Icons in ‘Pieta’

    ALFRED Vargas continues to challenge himself as an actor and producer with his new project ‘Pieta’ which will start filming this February.     He will be playing the role of Isaac, who was just released from prison but believes he is wrongfully accused for the killing of his father years ago when he was […]